Chapter 47 - Only yours

50K 783 96
                                    

Eliz P.O.V.

"Pick me up at the airport, don't forget" message ni Jordaine, ang kapatid ko nasa Australia. Pang 10 beses na ata syang nagpapaalala sa akin. Magbabakasyon kasi sya dito sa Pinas ng 2 buwan, noong isang araw nya lang nabanggit. Natuwa nga ako ng nalaman ko yun, ang tagal tagal na din kasi noong huli kaming nagkita. Sa kanilang dalawa kasi na anak ni Dad sa 2nd wife nya ay mas close sya sa akin kaysa sa bunso na si Ashley.

Nakausap ko na si Dad last week, nakwento nya yung ginawa ni Jordaine sa kasal mismo ni Ash. Nahuli daw nilang nakikipaghalikan ito sa groom-to-be. Gusto kong mapatawa ng malakas ng nakwento ni Dad yun, kilala ko kasi si Jordaine. Alam ko na hindi sya boto sa mapapangasawa ni Ash dati pa, naisip ko agad na baka plano talaga ni Jordaine na akitin ang groom na si Todd para hindi matuloy ang kasal nito sa kapatid namin.Haha. Naughthy girl. Bukod sa makulit at stubborn ay may pagkapasaway din kasi si Jordaine.

Hindi na ko nag abalang magreply sa kanya sa text nya sa Viber, for sure magmemessage na naman yun mamaya.

Nasabi ko na din kay Mommy yung nalalapit na pagpunta nya, sabi nga ni Mommy bakit hindi na lang sya sa bahay namin magstay since 2 naman ang guest room doon. Ewan ko ba dito kay Jordaine at nagpahanap pa talaga ng condo para dito daw sya magstay. Pinipilit ko nga sya para atleast magkasama kami, kaso dahil sa stubborn nga ay mas giniit pa din nya ang gusto nya.

Pero hanggang ngayon nga ay hindi pa din ako nakakahanap ng condo, wala kasing gustong pumayag na magrent lang dito ng 2 buwan.

"Good morning Mam Eliz" todo ngiti si Manong guard. Kasalukuyan akong naglalakad ngayon papasok ng building kung nasaan ang agency ko.

"Good morning Manong Elmer" nagsmile din ako sa kanya. 4 na taon na din ang agency ko dito sa building kaya hindi nakakapagtaka na kaclose ko na maging ang mga guards dito.

Pag akyat ko sa 10th floor ay binati din agad ako ng front desk receptionist /secretary ko na si Abby. Ininform nya agad ako sa mga clients na tumawag kanina habang wala pa ako. May inabot din syang folder sa akin laman ang mga papeles na kailangan kong pirmahan.


"Nagpalagay na ako ng advertisement sa newspaper at online classified ads to call for an audition" pag iinform din nya. Kasalukuyan kasi ay may 30 talents na kami pero dahil mataas ang demands ay naghahanap pa kami ng mga additional aspiring models.

"May meeting ka pala later sa marketing director ng SM para sa runway show natin para sa isang new clothing line"  dagdag pa nya.

Tumango ako at kinuha yung folder na inabot nya saka nagpasalamat. Naglakad na ako at dumaan muna sa studio kung saan may ginaganap na photo session.

Sa buong floor at 3 lang kami ang umuupa dito, sa akin ang pinakamalaki dahil bukod sa opisina ay may sarili din akong studio.

Pagpasok ko sa loon ay lumapit ako kay Mike, ang in-house photographer ko. Kinukuhanan nya ang bagong model namin na si Troy para sa portfolio nito. Ito kasi ang pinipresent sa mga clients para iendorse ang mga bagong models namin.

"Kuya Mike kamusta dito?" bati ko sa kanya. Saglit syang tumigil sa ginagawa at lumapit sa akin  "Ayos naman Mam Ok 'tong si Troy kahit bago alam ang anggulo nya" puri nya pa dito.

"Ok sige, pakita mo sakin yun for portfolio pagkatapos"

"Ok Mam" ngumiti sya at pinagpatuloy ang ginagawa, tumalikod na ako pero tumalikod ako nang may maalala "Kuya, Eliz na lang.."  pagreremind ko sa kanya, ayoko kasi nagpapatawag ng Mam sa mga tauhan ko.

"Yes Ms. Eliz" he said while waving his hand to dismiss me, natatawa na lang ako habang naglakad papasok sa office ko.

Naabutan ko si Dakota sa loob, ang isa sa una kong naging modelo at pinaka indemand sa ngayon. Ngumiti sya ng makita ako "Hi Eliz" tumayo at lumapit sa akin.

My so-called Lez Life (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon