Chapter 41 - Secret no more

32.6K 703 64
                                    

Autumn P.O.V.

Ang lakas ng kaba ko ng makita kami ni Windsor sa ganung ka sweet ni Eliz. Naghihinala syang nakatingin sa aming dalawa.

Alam kong naramdaman ni Eliz na natense ako pero hindi nya inalis ang pagkakayakap sa akin.

"Hey Windsor, nandito ka din pala" bati ni Eliz.

Hindi ako kumibo at umiwas ako ng tingin kay Windsor.

"Yeah, may NBA players kasing guests dito ngayon" narinig ko na lang na sagot nya.

"Oo nga eh, kaya pala madaming tao" si Eliz uli.

"Hi Princess.."

Napatingin ako sa kanya saka pilit na ngumiti, naramdaman ko ang tensyon sa aming 3 na oras na yun.

"So paano Windsor mauna na kami ni Autumn, kita na lang tayo sa school" sabi uli ni Eliz saka na ako hinila palayo.

Huminto kami sa tapat ng isang store na wala ng masyadong maraming tao.

"Babe...ok ka na?" Nagaalalang tanong nya habang nakahawak sa kamay ko.

"Eliz..mukhang may alam na sya" malungkot na sabi ko.

"Siguro ay oras na din para malaman nya babe"

Gulat na napatingin ako sa kanya "H-hindi ko pa ata kaya"

Oo alam ko na duwag ako, natatakot ako masaktan ang mga taong mahal ko. Para hindi ko kakayanin na makita ang hurt sa mga mata nila.

"Babe, you have to..kung hindi mo kaya ako na ang magsasabi" seryosong sabi nya.

"Hindi ko alam...Ayokong saktan sya...Ayoko na magalit sya sa akin" naiiyak na sabi ko. Ayokong mawala ang bestfriend ko, alam kong mawawala na sya kapag nalaman nya ang totoo.

"Babe..please listen to me, mabuti na yung malaman nya na agad ang totoo para hindi na sya umasa sa akin, na magiging kami pa"

Tuluyan ng nalaglag ang luha ko. Tama ata si Eliz, malalaman at malalaman din nya yun..

Yumakap ako kay Eliz at tila dito kumukuha ng lakas ng loob.

My so-called Lez Life (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon