Chapter 1 - The perfect little daughter

76.2K 1.2K 102
                                    

Autumn P.O.V.


"Dean's lister ka na naman Autumn" nakangiting bati sa akin ni Windsor saka mabalis na umupo sa tabi ko.

Si Windsor ang aking nag iisang close friend. Alam kong kakagaling lang nya sa Dean's office, nakapaskil na dun ang mga names ng mga Dean's listers.

Hindi na ko nag abala pang tignan ang listahan kaninang umaga, alam ko naman kasi na mula pa 1st year college ko up to now na nasa 3rd year na ako ay hindi ako nawawala doon.

Saglit kong inangat ang tingin ko kay Windsor mula sa librong binabasa ko, inayos ang salamit sa mata ko at saka blankong tumingin sa kanya. Kasalukuyan kaming nasa school cafeteria ng mga oras na yon.

"Hmmm ok" sagot ko sa kanya bago ko binalik ang tingin sa libro.

He just shrugged at my reaction.

"Lunch break na ngayon ah bakit nagbabasa ka pa din dito? Kumain ka na ba?" Concern na tanong nya.

Kilala na ako ni Windsor, alam nya na kahit lunchbreak ay nag aaral o nagbabasa pa din ako. Ganun ako ka dedicated sa pag aaral. Kaya nga pati itong maingay na school cafeteria ay ginagawa ko na ding library.

Tumayo si Windsor saka pumila sa may counter, nakita ko na kumuha sya ng tray at dumampot din ng kung ano anong pagkain saka nagbayad sa cashier.

Pagbalik nya may dala na syang 2 slices ng pizza, 2 carbonara at 2 bottled water. Inilapag nya sa ibabaw ng table namin ang mga pagkain.

"Kain na tayo Autumn,  mamaya na yan aral. Tignan mo pumapayat ka na" aya nya sa akin habang isinasara ang librong binabasa ko. Wala na ako nagawa kung hindi ipasok muna ito sa backpack ko.

Napasmile na lang ako sa gesture na yon ni Windsor, super sweet and caring ng bestfriend ko. Kung hindi ko lang sya bff at sabay na lumaki ay iisipin ko na may gusto sya akin dahil sa sweetness na pinapakita nya.

But knowing him, malabo ata mangyari yun at saka parang kapatid lang din ang tingin ko sa kanya.

"Thank you Winds" inabot ko ang isang slice ng pizza saka kinagat. Napangiwi naman si Windsor ng marinig ang tawag ko sa kanya.

"Ang bantot naman ng nickname mo sa akin. Windsor na lang, dalawang syllables lang naman yun hindi mahirap bigkasin" reklamo nya habang binubuksan ang bote ng mineral water saka inilagay sa tabi ng plato ko.

"Eh bakit ba cute naman ang Winds" pang aasar ko pa sa kanya, sumubo na din ako ng Carbonara. Sarap! I closed my eyes habang nilalasap ang lasa ng carbonara. 

Pagmulat ng mata ko a smiling and amused face of Windsor ang nasilayan ko. Alam na alam nya na favorite ko talaga ang carbonara kaya nga eto ang napili nyang bilhin.

I just sticked out my tongue at him and we both laughed.

Windsor was a good looking guy, he's 6 feet tall, had muddy brown eyes, had a sexy smile that made girls swoon over him and his hair was always neatly brushed up.

He's also an anime fanatic, always wearing this anime shirt...Well, it was kinda sickening if you ask me.

"May exam pla tayo mamaya sa next class natin baka nakalimutan mo" pagreremind ko sa kanya. Yun ang nirereview ko kanina, napag aralan ko na kasi yun kagabi nirerefresh ko lang sa memory ko.

Nakasimangot si Windsor sa narinig, tamad kasi sya mag aral. Paano puro sports at babae lang ang inaatupag.

Kaya nga nakakapagtaka na nakakapasa pa sya sa mga subjects. Mostly naman kasi pasang awa o may pasikretong ginagawa ang mokong para ipasa sya ng mga prof namin.

My so-called Lez Life (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon