Chapter 19 - Back-off stranger

48.1K 850 30
                                    

Eliz P.O.V.

I'm bullet proof, nothing to lose fire away fire away. Ricochet take your aim, fire away fire away

Ang tunog ng ringtone ko ang gumising sa mahimbing na pagtulog ko.

Arrrrgg sino ba ito ang aga aga tumatawag?

Galit na hinablot ko ang cellphone sa ibaba ng side table malapit sa kama ko at saka sinagot.

"Helllo?!" Iritableng sagot ko.

"Whoaa girl san ang gyera? Hindi ako ang kaaway mo" sagot ng natatawang si Angel sa kabilang linya.

"Shut up Angel, ang aga aga tumatawag ka na agad" sagot ko na medyo inis pa din.

Paano ba naman pagkatapos ng nangyari sa amin ni Autumn kagabi ay hindi agad ako nakatulog pagkauwi.

Ang magandang mukha at sexy body pa din nya ang nakatatak sa isip ko. Maging ang pagod na itsura nya pagkatapos ng .....ehem...physical activity namin ay hindi ko din maalis sa utak ko. Hayyy Autumn. You're insatiable.

"Tama ng pagsusungit girl, tumawag lang ako to invite you na samahan ako sa birthday party ng girl na nameet ko sa Royalty bar last time"

"What? Sya ba yun ayaw mo ikwento noong isang araw? Sabi na nga ba may nakilala ka dun sa bar eh" biglang nawala ang antok ko. Excited ako makilala ang taong nakapukaw ng attention ni Angel. Alam ko kasi pihikan sya pagdating sa babae.

"Haha sya nga. Hindi ko lang sya ikwekwento sayo now, ipapakilala ko pa" kahit hindi ko sya nakikita ay alam kong nagniningning pa ang mata nito habang nagsasalita.

"Ok what time ba yan?" Tumayo na ko sa kama. Buti Saturday ngayon, kahit late ako magising ay ayos lang wala akong pasok.

"Around 8pm, daanan kita dyan later."

Naalala ko hindi ko pa pla nakwento kay Angel ang mga nangyari sa amin ni Autumn ng mga nakaraang araw. Hindi bale banggitin ko sa kanya mamaya, im sure matutuwa sya at sasabihin sa akin na nagtagumpay ang naging plano nya ng isnuck ko si Autumn sa supply room.

"Owwwkaayy" maarteng sagot ko

Pagkababa namin ng telepono ay pumunta muna ako ng bathroom para maghilamos at mag toothbrush.

Sa baba naabutan ko si mom and tito na nag aagahan. Binati ko sila ng magandang umaga saka nagkiss kay mom.

"Musta naman ang bago mong school anak?" Tanong ni mom. Nakasuot sya ng panlakad na damit. Siguro may pupuntahan sila ni tito mamaya. Ganun din si tito nakasuot sya ng white polo at slacks.

Tinignan ko ang mga food bago sumagot, ang sasarap may bacon, corned beef, tapa, fried rice at saka loaf bread. Kumuha ako ng bacon saka kinagat.

My so-called Lez Life (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon