Chapter 15 - Closet queen

41.8K 915 24
                                    

Eliz P.O.V.

"You're crazy eliz" sabi ng halatang Nanggigigil na si Autumn sa kabilang line bago nya binaba ang phone.

Hindi ko mapigilan mapangiti ng makita ko si Autumn na papalabas na ng gate ng bahay nila. I won.haha

Lumabas ako ng kotse pagkabukas nya ng gate "Hi babe.." sabi ko habang nakasmile pa din ng todo.

"Don't babe babe me Eliz..hindi na ko natutuwa sa ginagawa mo" nakasimangot na sabi nya saka ako inirapan.

Lumapit ako sa kanya na halos magkadikit na ang mga katawan namin, tinitigan ko sya sa mata "awww babe...don't you miss me?" Sabi ko in sad tone with matching pout pa ng lips.

Mabilis na lumayo sa akin si Autumn at saka luminga linga, marahil ay tinitignan nya kung may tao sa labas na nakakita sa amin.

Pagkatapos ng masigurado nya na walang tao ay hinila nya na ako sa kamay papasok ng bahay nila hanggang paakyat ng kwarto nya.

Pagkapasok namin ng room nya ay nilock nya muna ang pintuan saka ako matamang tinitigan "So speak" emotionless na sabi nya.

Pero hindi pa din ako nagsalita nakatingin lang din ako sa kanya.

"Diba sabi mo you wanna talk kaya ka nandito? Bakit hindi ka pa din nagsasalita dyan?" sabi nya na tila naiirita na.

Napaisip ako...Bakit nga ba ako nandito? Una ay gusto ko lang mapaamin sya na sya nga ang mystery girl na nakilala ko sa bar..pangalawa....hmmm gusto ko lang sya makita.

"So inaamin mo na na ikaw yun girl dun sa bar?" Tumingin tingin ako sa kwarto nya habang tinatanong yan sa kanya, tila naghahanap din ng pwede maging ebidensya pra mapaamin sya.

"For the 100th time, hindi ko nga alam ang sinasabi mong girl or bar na yan. Bakit ba kasi ang kulit mo?" Nakakunot noo pa sya nakatingin sa akin. Kung nakakapaso ang tingin kanina pa ako tostado dito.

"Bakit ba kasi ayaw mo pa aminin Autumn..eh huli ka na naman" may nakita akong bagay malapit sa closet nya.

"Huh? What do you mean? Don't bluff me Eliz..wala akong aaminin dahil wala naman ako dapat aminin at yun ang totoo!" halos lumabas na ang litid sa leeg nya sa sobrang inis habang kinakausap ako.

Pero hindi naman ako nasindak sa pinapakita nyang pagkainis buo na sa isip ko na sya talaga yun..ayaw lang nya umamin. Ano ba gusto nya gulatan, ganun?

"Oh yeah? How come nandito yun heels na suot nya ng gabi na yun" siguradong sabi ko sabay turo sa black heels sa ibaba ng closet nya. I watched closely her reaction after I said it. Nakita ko paano sya namutla habang mabilis na tumingin sa tinuro kong heels.

Gusto ko palakpakan ang sarili ko, actually hindi ko nga napansin kung ano man ang shoes nya ng gabi na yun. Gusto ko lang makita kung ano ang magiging reaction nya, at hindi nga ako nagkamali. Marahil ay talagang ginagamit nya din ang heels na yun pag nagpupunta sya ng Royalty bar.

My so-called Lez Life (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon