Chapter 21 - Wow mali ^_^

46.1K 819 103
                                    

Autumn P.O.V.

Pagdating namin ng mall ni Windsor ay nagyaya agad ako kumain. Parang bigla kasi ako nagutom sa pinagusapan namin kanina sa loob ng kotse nya and beside wala pa din talaga ako kain mula kaninang umaga.

"Kain tayo sa shakeys" sabi ko sa kanya nauna na ko naglakad papunta dun. Pagkaupo ay umorder agad ako ng ultimate pizza, mojo supreme, at saka 6-piece chicken wings.

"Whoa princess hindi ka gutom ha?" Tukso sa akin ni Windsor, pang asar lang yun ngiti nya. Pabirong pinalo ko sya sa braso "Shut up Winds, order ka na sa yo" pang aasar ko din sa kanya.

Nawala ang ngiti nya sa labi ng marinig nya ang tawag ko sa kanya. Haha buti nga.

Nag order lang sya ng bunch of lunch para sa kanya. Habang hinihintay namin ang order "Ano panoorin natin later?" I asked him.

Hindi na kasi ako updated sa mga bagong movies. "X-men panoorin natin" excited na sagot nya, bukod sa anime ay mahilig din sya sa ganun klase ng movies.

Ako naman walang hilig sa ganun type na palabas, ewan baka makatulog na naman ako sa loob ng sinehan. Tumingin ako sa labas ng resto, sa mga taong dumadaan.

"Ahh princess, please tell me something about Eliz. Alam mo ba fave color nya , food or place? Yun ayaw nya kaya sa guy?" Sunod sunod na tanong nito.

Kunot noo akong tumingin sa kanya "Sheez down boy, hindi ka naman masyadong interesado ha?" Pagkatapos ay mataman akong nag isip..fave color nya?

Hmmm ano ba..she usually wears black "black ata fave color nya" fave food? Hmmm..ano ba ang madalas nya kainin?

Bigla akong nagblush ng may maisip ako. Bad Autumn. Pinilig ko ang ulo ko. Nagtatakang nakatingin sa akin si Windsor, kaya sumagot na ko "Hindi sya mahilig kumain eh, baka diet ayaw tumaba" fave place? ?..lez bar? Haha hindi ko naman pwede sabihin kay Windsor yun, lalo na yun ayaw nya sa guy. Kasi ayaw nya naman talaga sa guy, iba ang preference nya.

Hay Autumn ano ba ito napasukan mo. Alam mo naman wala ng pag asa si Windsor sa kanya pumayag ka pang ilakad sya sa kanya.

Buti na lang ay Naputol na ang pag uusap namin ng dumating na yun order namin, tulo laway kaming nakatingin dito habang nilalapag na sa table namin ang food at saka gutom na nilantakan ito. Mojo, pizza, chicken. Yummy!

Nasa gitna kami ng masarap na kain namin ng hindi sinasadyang may mahagip ang mata ko.

Meron dalawang babae ang seryosong nag uusap sa gilid ng resto. Yun isang nakatalikod ang pamilyar sa akin, her sexy curves, copper colored hair....Eliz? Seriously bakit kaya kahit saan ako magpunta laging nandoon sya??

Napatiligil ako sa pagkain kaya biglang napatingin sa akin si Windsor na kasalukuyang busy sa bunch of lunch nya "Autumn bakit? Hindi ba masarap yun food?" Halata ang concern sa boses nya.

My so-called Lez Life (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon