Epilogue

39.8K 1K 132
                                    


4 years later...


Autumn P.O.V.


Nakatingin pa din ako sa bouquet ng flower na hawak hawak ko, up to now hindi pa din ako makapaniwala na ako ang nakasalo nito kanina. Kitang kita ko ng hinagis ito ni Jace, lumipad sa ere bago saktong bumagsak sa mga kamay ko.

'Some things are meant to be.' Naisip ko habang di pa din mapalis ang ngiti ko. Kung may makakakita siguro sa akin ay iisipin na nababaliw na ako.

"Babe? Baka matunaw na yang flowers sa titig mo at mapunit na yang mukha mo sa laki ng smile mo." Puna sa akin ni Eliz na nasa tabi ko, napansin nya siguro ang tuwa ko na halos wala ng paglagyan.

Kakagaling lang namin sa kasal nina Jace at Alexis sa isla na pag aari din ni Jace. It was a spectacular beach wedding. Halos perpekto ang scenery nito na parang marriage made in heaven, sa sobrang ganda ay hindi ko tuloy mapigilan mainggit sa kanilang dalawa.

The island was so astounding, napaka tahimik at payapa, ang sarap siguro araw araw magising sa tunog ng hampas ng dagat sa dalampasigan. Nandoon din ang Mama ni Jace, kaming mga kaibigan nya at mga taong mahalaga sa kanila, maging ang panahon ay nakiaayon din at napakaaliwalas nito.

"Babe? Are you really OK?" Eliz gave me a worried look this time.

Hindi ako sumagot, paano naman parang nasa cloud nine pa rin ako at hindi pa nakakabalik sa lupa.

And yes, dahil sa simpleng dahilan na ako yung nakasalo ng bouquet. But for me it means everything; i even imagined na kami na yung susunod na ikakasal ng Babe ko. Dati pa ay pinapangarap ko na talaga na isang napakagandang wedding para sa aming dalawa.

Kakababa lang namin sa boat na naghatid sa amin dito sa pampang, iniwan na namin yung bagong kasal sa isla para magkaroon na sila ng time sa isa't isa. Papunta na kami ngayon sa kotse ni Eliz na nakapark sa hindi kalayuan sa pampang, kasabayan din namin naglalakad ang ibang mga bisita gaya ng pinsan ni Alexis na si Louise kasama din ang girlfriend nito na si Frances.

"Serioulsy Babe?" hinawakan nya ako sa braso bago hinirap sa kanya, she cupped my face. Napatitig ako sa napakagandang pares ng mga mata nya, up to now ay wala pa din pinagbago ang Eliz ko. She's still this drop dead gorgeous girl i used to know. Her enchating eyes never fail to amaze me.

"Babe ano ba yan." Napangiti ako, natutuwa ako sa nakikita kong pag aalala nya sa akin. "I'm fine...ok? Masaya lang ako..." sabi ko pa.

Tila nakahinga sya ng maluwag ng marinig yun "Akala ko no na nangyari sa'yo, kanina ka pa kasi hindi nagsasalita at nakangiti lang habang nakatitig dyan sa hawak mo" sabi nya saka sumulyap sa tangan kong bulaklak. Hinawakan nya na ulit ako sa kamay bago na namin pinagpatuloy ang paglalakad.

"Eh bakit ba? Ang swerte ko diba kasi ako ang nakasalo nito.." Sabay taas ng hawak ko.

"Sus, para yan lang. Akala ko napasukan ka na ng hangin sa utak mo, ang lakas pa naman ng hangin sa isla." Tila nang aasar na sabi pa nya.

Inirapan ko sya "Hmp! Grabe ka ha. Anong parang ito lang? Hindi mo ba alam kung gaano kaimportante sa isang babae ang makasalo ng ganitong bouquet mula sa bride?!" pagsusungit ko sa kanya. Kakainis ah sabihin daw ba na 'para yan' lang at 'napasukan ka na ng hangin sa utak'.

Napansin nya na naiinis na ako kaya mabilis nya akong niyakap pero nakangiti naman "Babe i know, i know..wag ka na na magalit dyan..sorry na." paglalambing nya bigla.

My so-called Lez Life (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon