Chapter 10 - Si ate Bechay

41.5K 918 54
                                    

Autumn P.O.V.

"i-i-ikaw?" Halos himatayin ako pagkakita kay Eliz na ngiting ngiti na nakatingin sa akin.

Ang bilis ng tibok ng puso ko na parang anytime ay maghyhyperventilate na ako.

Ang antok ko kanina parang hanging biglang nawala. OMG! Ano gagawin ko?

Magtago? Tumakbo paakyat sa kwarto? Sigurado magtataka sina mom at ate Amber.

Umakto lang ng normal.

Paano ko gagawin yun kung ang buong katawan ko nanginig na ata. Sa dinami dami ng taong pwede ko mameet sa Royalty bar si ate bechay pa talaga??

"Ahh hmmmm Autumn ok ka lang ba?" Tanong ni ate Amber habang nakatingin sa akin. Pati sina mom at dad halata sa mukha ang pagtataka sa naging reaction ko.

Say anything Autumn. Mas lalo ako mahahalata ni Eliz/ate bechay nito eh.

"A-ate bechay...ikaw na ba yan?" Sa wakas nakapagsalita na din ako. Pakiramdam ko kasi pati dila ko nalunok ko na ata.

"Yes Autumn ako nga..grabe ang tangkad tangkad mo na ngayon. Hindi na bagay sayo ang tawag na little girl" she said while her eyes roaming around my body.

Biglang Naconscious ako sa ginawa nya. Nanigas na naman ako at hindi makapagsalita lalo na ng bumalik ang tingin nya sa mga mata ko. Ibang klase kasi sya tumingin parang tumatagos sa kaluluwa.

"By the way Autumn..just call me Eliz " sabi nya na lumalabas na naman ang accent nya na Aussie accent pala. Alam ko kasi napetition sya 4 years ago papuntang Australia.

"S-sure ....Eliz" pinilit kong ngumiti.

"Tara mga iha kain muna tayo" yaya ni Dad sa amin.

Hayyy buti na lang. Daig ko pa nasa hot seat ng mga oras na yun.

Nauna na maglakad si Mom habang si Eliz ay hila hila na ni ate Amber papuntang dining area.

"Oh Autumn bakit hindi ka pa kumikilos dyan?" Nakalingong Tanong ni dad sa akin. Ang katawan nya nakaharap na papuntang dining area.

"Busog pa ko dad" pagdadahilan ko. Salamat naman tuwid na uli pagsasalita ko. Nagpaalam ako sa kanya na aakyat na ako sa kwarto.

Halos hindi ko maihakbang ang paa ko kasi nangingig pa ata ang mga binti ko. Pinilit kong umakyat hanggang makarating na ako sa kwarto ko.

Nanghihinang napahiga ako sa kama ko. Ang daming tumatakbo sa isip ko ng mga oras na yon.

Paano kung mamukhaan ako ni Eliz? Paano kung ibisto nya ako kay ate Amber or much worst sa parents ko? Natatakot ako malaman nila na ganito ako.. na ang perfect little daughter na inaakala nila was not so perfect at all?

My so-called Lez Life (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon