Chapter 37 - The return of Summer

32.1K 581 25
                                    

Autumn P.O.V.

I felt bad pagkatapos kong makausap si Eliz..I asked her to give me some space kahit kalahati ng puso ko ay tumututol dito.

Sobrang naaawa ako sa kanya lalong lalo na obvious ang paghihirap ng kalooban nya...namamaga at nanlalalim na ang paligid ng mata nya. Kanina kinausap nya ako sa labas ng cafeteria ay gustong gusto ko na syang patawarin at yakapin lalo na ng humakbang na sya palapit sa akin.

Ewan ko baka dahil sa pesteng pride ang pumipigil sa akin na gawin yun. Sino ba naman kasi ang nakaimbento ng salitang Pride?

Pagbalik ko sa loob ng cafeteria ay nakatingin lang si Windsor, parang gusto nyang magtanong pero piniling manahimik na lang.

"Tara na Windsor, magstart na yun next class natin" kinuha ko yun bag saka na ako naglakad palabas.

Nakita ko pa sina Eliz at Claudette na naglalakad papunta sa direksyon ng library. Nakatingin ako sa direksyon nila hanggang tuluyan na silang nawala sa paningin ko.

"Princess...are you ok?" Halatang nagaalala si Windsor.

Tumango lang ako saka pilit na ngumiti.

"Wait pala Windsor may hahanapin pa pala ako sa library, magkita na lang tayo sa classroom"

"Ok"

Pagdating sa library ay hinanap ko muna yung book na kailangan ko saka ako naupo.

Hindi ko napansin na nandoon din pala si Dionne "Hey Autumn" bati nya saka tumayo at tumabi sa akin.

"Ano yan binabasa mo dyan?" sabi nya saka tinignan yun binabasa ko.

"Need ko lang sa research project"

Maya maya ay may binulong sya sa akin, pag angat ko ng tingin ay nagtama ang mata namin si Eliz. Pinilit ko magbaba ng tingin at saka pinagpatuloy ang pagbabasa ko. Pag angat ko ng tingin ay wala na si Eliz sa katapat na mesa, nakadama ako ng lungkot.

Tumayo na ako pagakatapos "Dionne sige alis na ko may class pa ko"

"see you around" sagot nya.

Pagdating sa klase ay tuluyan ng lumipad ang isip ko, nakadikit sa isip ko ang malungkot na mukha ni Eliz...yun kaninang umiiyak sya.

Hindi na ko makatiis, gusto ko syang makausap uli..

Nagpaalam ako sa prof namin na mag CR ako, paglabas ay nagmamadali akong pumunta ng klase nya. Sumilip ako sa loob nito, pero anino nya ay hindi ko nakita.

Bakit wala si Eliz? Nasaan kaya sya?

Nanlulumo na bumalik uli ako sa klase..wala pa din ako sa sarili hanggang sa natapos ang huling klase namin.

Sumabay ako kay Windsor sa paguwi, habang nasa byahe kami ay panay ang sulyap nya sa akin.

Hindi na ako nakatiis, alam ko na gusto nya itanong yun nangyari kanina sa amin ni Eliz.

"Ano yun Windsor? Itanong mo na ang gusto mong itanong" sabi ko habang nakatanaw sa labas ng bintana.

"Anong nangyayari sa inyo ni Eliz? Magka away ba kayo?" Sumulyap sya sa akin.

"May maliit na misunderstanding lang"

"Oh ok"

Pagdating sa bahay ay nagpasalamat ako sa kanya bago bumaba. Pagdating ko sa kwarto ay tumawag agad ako sa bahay nila, kaso sabi ng nanay nya ay wala pa daw sya doon. Hindi na ako nagpakilala, binaba ko na yun phone.

My so-called Lez Life (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon