Chapter 36 - I miss you like crazy

32.1K 616 55
                                    


Eliz P.O.V.

“Just stop it Eliz…just stop” sabi ni Autumn saka naglakad na palayo. Mabilis na sumunod sa kanya si Dionne.

Mabilis na naman tumulo ang luha ko.

Wala na ba talaga kaming pagasang magkaayos?

Kahit wala sa sarili ay napilitan na rin akong pumasok sa klase ko, balak ko uling kausapin si Autumn mamayang lunchbreak.

Pagpasok ko sa klase ay napansin agad ako ni Claude "My God Eliz anong nangyari sayo?" Sabi nito habang nanlalaki ang matang nakatingin sa akin.

"Why?" Malungkot na tanong ko saka naupo sa tabi.

"Look at you..you seem....." sabi nya na tila nagiisip ng word na maidescribe sa akin.

".....Lost?" Bakas sa mata nya ang pag aalala sa akin.

Hinawakan ko ang mahabang buhok ko na hindi ko pa ata nagawang suklayin.

"Ok lang ako Claude" sabi ko pero hindi ko na mapigilang tumulo ang luha ko.

"Eliz...." hinawakan nya ako sa balikat.

Pinahid ko ang luhang naglandas sa mata ko "Ang hirap magmahal Claude" saka ako ngumiti ng mapakla.

"Eliz I'm sure magkakaayos din kayo" pag aalo nya pa.

"Sana nga Claude" saka ako napabuntong hiningi, pinipigilan ko uli mapaiyak. Nakakahiya napapatingin na nga sa akin ang iba naming kaklase.

Hindi ko na namalayan na natapos ang klase, paano ba naman lutang ang utak ko. Wala akong iniisip minu minuto kung hindi si Autumn lang.

Pagdating ng lunchbreak ay nagmamadali akong pumunta ng cafeteria, gusto ko makita si Autumn...gusto ko sya makausap, kahit ayaw nya na akong kausapin pipilitin ko pa din sya. Wala na akong tinirang pride para sa sarili ko, ganun ko sya kamahal.

"Girl slow down baka madapa ka naman nyan" sabi ni Claude habang lakad takbo kami papunta ng cafeteria,  sina Royan at Jace nauna ng nakakain. Paano ba naman ay nag extend pa ng 30 minutes ang klase namin. Bad trip talaga yun prof na yun.

Pagpasok sa pinto ng cafeteria ay hinanap agad ng mata ko si Autumn, nakita ko sya sa table malapit sa food counter kasama si Windsor.  Mabuti na lang naabutan ko pa sya, akala ko ay nakatapos na silang kumain.

Mabilis akong lumapit sa kanila kasunod si Claude.

"Autumn pwede ba tayo magusap?" Nakatayo ako sa likuran nya. Lumingon sya sa akin pero walang emosyon na nagsalita

"Can't you see kumakain pa ako?" Masungit na sabi nito, si Windsor Nagtatakang nakatingin lang sa aming dalawa.

Pero hinawakan ko sya sa braso "Please Autumn"

Asar na nilapag nya yun kutsara nya saka tumayo "Hintayin mo ako Windsor, maguusap lang kami sandali" baling nya dito.

Naglakad na sya papunta sa labas ng cafeteria. Lumingon ako kay Claude "Girl dito ka muna" sabi ko tapos tumango lang sya.

Pagdating sa labas ay nakatayo na si Autumn habang naka crossed arm, seryoso lang ang expression ng mukha nya.

"Ano na naman ba Eliz?  Diba sinabi ko na kagabi pa" narinig kong sabi nya pero hindi tumitingin sa akin.

"Babe makinig ka naman sa akin please. Dionne planned this para paghiwalayin tayong dalawa" lumapit ako sa kanya, gustong gusto ko syang yakapin. Sobra sobrang namimiss ko na sya.

My so-called Lez Life (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon