Chapter 43 - Homecoming

31.3K 705 54
                                    

Autumn P.O.V.

“Anak, mommy mo ako at alam ko ang nararamdaman mo kahit hindi mo sabihin”

Hindi ko na mapigilang tumulo ang luha ko.

Hinila nya ako at niyakap ng mahigpit. Naging tuloy tuloy na ang pagbuhos ng luha ko.

Pagkatapos ng ilang minutong pag iyak ay medyo kumalma na din ako at kumalas ako ng yakap sa kanya.

“I’m sorry po...” sumisigok na sabi at hindi makatingin sa kanya ng diretso. Hindi ko alam pero nahihiya ako.

“Kinausap ko ang ate mo....una ay hindi nya pa sinabi sa akin pero sa huli ay napaamin ko din sya.” Narinig ko na lang na sabi nya.

Nagtatakang napatingin ako sa kanya  “Paano nyo po--.?”

“Isang gabi ay aksidente kong nakita na patago kayong nagpunta ni Eliz sa kwarto mo....nagtaka ako, oo, pero bilang ina mo ay nararamdaman ko na higit pa sa magkaibigan ang relasyon nyong dalawa” sabi nya saka humawak sa magkabilang balikat ko.

“Galit po kayo...?  I’m sorry po nadisappoint ko kayo..”  malungkot na sabi ko habang nagsimula uling pumatak ang luha ko.

Napabuntong hininga muna si Mommy pagkatapos ay hinawakan nya ako sa kamay.

“Anak, kahit sinong magulang ay hindi madali sa kanya na tanggapin ang katotohanan tungkol sa, sabihin na nating kakaibang preference mo...pero narealize ko na walang ibang iintindi at tatanggap sa iyo anak, kundi kaming mga magulang mo”

Nanlaki ang mata ko at nanlamig ako nga marinig ang sinabi nya  “Alam na po ba ni Daddy..??” kabang kaba ako.. Alam ko kasi na hindi nya matatanggap  ito kahit kailan.

“Hindi pa nya alam, pero naghahanap din ako ng tamang tyempo para kausapin sya tungkol dito”

Hindi ko napigilang yakapin uli si Mommy, masaya ako na naiintindihan nya ang pinagdadaanan ko.

“Mommy thank you po.....Alam ko po mahirap sa inyo, pero tinanggap at inintindi nyo po ako” 

Sumulyap ako sa kanya at  pagtingin ko ay nakita kong naiiyak na din sya  “Anak kita at mahal kita”

Ngumiti ako sa kanya kahit hilam pa din ako ng luha .

“Tara ng kumain, mamaya natin pagusap ang problema nyo ni Eliz”  sabi nya uli saka tumayo na ng kama.

“Sige po”  Tumayo na din ako at nagpunta muna ng bathroom para maghilamos, baka kasi magtaka si Dad kung bakit ganitong namumugto ang mga mata ko.

Sabay na kami ni Mommy bumaba at nagpunta ng dining area. Nakita namin sina Dad at ate na patapos ng kumain.

My so-called Lez Life (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon