Eliz P.O.V.
"Home at last" kakalapag ng ereplanong sakay ko from Australia. Ang tagal din ng byahe pero ok lang ang mahalaga nakarating na rin ako ng maayos dito sa Pinas.
Hinawi ko muna ang mahaba kong buhok na nagulo dahil sa saglit na pagkakaidlip ko saka tumayo. Hindi ko na pinansin ang paghangang tingin ng mga kalalakihang nadadaanan ko. Sanay na naman kasi ako sa ganun atensyon.
Pagkakuha ko ng bagahe ay lumabas na ako ng airport, nakita ko agad ang mom ko na kumakaway sa akin. Katabi ang bestfriend ko na Amber. Oh wow dalagang dalaga na sya, 4 years ago pa kasi yun last time na nagkita kami.
Niyakap ako ni mom ng napakahigpit, hatalang sobra akong namiss. Paano ba naman email, viber o sa skype lang kami nagusap at nagkita sa loob ng apat na taon.
My dad petitioned me kaya ako nakarating ng Australia, kasama ko doon ang 2 ko pang kapatid kasama ni Dad. Matagal na sila hiwalay ni Mom at may sari sarili na din silang pamilya.
Pero si mom hindi na nag anak uli, while si dad 2 ang anak sa bago nyang Australian na asawa.
"Mom I missed you" I exclaimed with my Aussie accent.
"Namiss din kita anak" sabi nya habang nakayakap pa din sa akin.
Kumalas ako sa pagkakayap at saka sya tinitigan, medyo nagka edad na ang itsura ni mom pero bakas pa din naman ang kagandahan. Sa kanya ako mas nakamana ng itsura kesa kay dad. Mix ng american-irish ang itsura ni mom.
Humarap naman ako kay Amber na nakangiti abot tenga.
"I miss you best!" excited na sigaw ni Amber bago ako niyakap.
I really missed my best friend. Noong nandito pa ako sa pinas hindi kami mapaghiwalay na dalawa, lagi akong nasa kanila o kaya siya ang nasa amin.
Madalas din kami nagsleep over sa bahay ng isa't isa saka namin sabay aasarin ang nakababatang kapatid nya na si Autumn..that cute girl, kamusta na kaya sya?
"I miss you too best!" Nakasmile na sabi ko.
Niyaya ko na sila sumakay ng kotse para doon na makapagkwentuhan. Ng mailagay na ang mga bagahe ko sa likod ng kotse ni mom ay umalis na kami ng airport.
"Grabe best ang laki na ng ipinagbago mo. Ano ang ginawa ng Australia sa iyo and i may add they did a good job" bakas sa mata ni Amber ang amazement habang tinitignan ako mula ulo pababa.
Oh well..kahit sino naman ang makakita sa akin ay talagang magugulat. May pagkatomboyish kasi ako noong highschool, madalas nga natsitsismis pa kaming dalawa ni Amber na magkarelasyon daw.
Lagi lang kasi ako nakasuot ng over sized tshirt at jeans, maikli lang ang buhok ko nun abot lang sa tenga at madalas din akong naka cap kaya hindi nakapagtatakang tibo nga ang tingin nila sa akin.