Chapter 17 - Ang Mahiwagang CR ng gym

53.5K 952 60
                                    

Warning : with sexual content

If you are not comfortable with sex scene skip this chapter or just read other stories na wholesome *smile*

Read at your own risk.

**************************

Eliz P.O.V.

Namumutlang napatingin sa akin si Autumn, daig pa nya ang ibinabad sa suka. "W-we're locked here" nanginginig pa ang boses na sabi nya.

"Huh? What do you mean? Sinaraduhan na ba tayo?" Sabi ko bago lumapit sa pinto, paghila ko sa doorknob ay nalaglag ito.

Sinubukan ko itulak ang pinto kaso ayaw talaga nakalock. Sumilip ako sa maliit na bintana kaso wala na akong makitang tao sa loob ng gym. Anak ng pating ...paano na?

****************

Earlier that day...

Masaya akong pumasok sa University kinabukasan..Thinking about her makes wanna ugghh... My sweet little Autumn, konti na lang ay bibigay ka din sa akin.

Masaya kong binagtas ang daan papuntang school, as usual dala ko ang kotse ni Mom. Kinukulit ko na nga sya na ibili na ako ng sarili kong wheels para hindi na ko nanghihiram sa kanya.

Pagpark ko sa may parking area ay nakasmile pa akong bumaba ng kotse dala ang aking shoulder bag.

"OMG it's that you bechay?!" Matinis na boses ang sumalubong sa akin. Gulat na napalingon ako sa pinaggalingan ng tinig. There was this girl wearing a baby pink Lacoste polo shirt and black skinny jeans.. pinagmasdan ko ang mukha nya ,Teka...si Claudette ba to?

"My gosh ... Claudette??" Excited akong lumapit ay yumakap sa kanya. Sabay pa kaming tumalon habang magkayakap.

"Grabe bechay hindi ka na namin halos nakilala" sabi pa ng isang tinig. Kumalas ako ng yakap saka lumingon uli...si Royan, nasa tabi nya ang nakasmile din na si Jace. Grabe ang laki na ng pinagbago nila, 4 years ago bago ako nagmigrate ay pare pareho pang mga nene ang itsura namin. Look at us now, mga dalaga na. Gumanda at naging sexy. Nag group hug kaming apat bago sabay sabay na nagtawanan.

"Dito din pla kayo sa University nag aaral hindi man lang kayo nagpaparamdam" tila nagtampo kong sabi.

Noong highschool kami, kaming apat ang laging magkakasama. Magkasama sa galaan at kalokohan. Lagi kami tambay sa bahay nina Jace, kaya lang pag nandoon ang masungit nyang tatay ay bigla na kami magsisipag uwian.

Pagdating ko sa Australia ay medyo naglie low ang aming samahan. Paano ba naman ang layo ko na tapos mga naging busy na din sila sa kanilang mga buhay.

"Ay naku ewan ko sayo betchay..ikaw ang missing in action. Buti pa ang multo nagpaparamdam, samantala ikaw ay kalabit ay wala. Kay Amber pa namin nalaman na nakauwi ka na pla" sagot naman ni Royan, napansin ko na medyo tumangkad na din ang dating bansot na si Royan.

My so-called Lez Life (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon