Chapter 34 - Hurt

37.1K 610 22
                                    

dahil masakit ang ulo ko kaya naisipan ko magsulat.haha.

hindi po eto edited.

______________________


Autumn P.O.V.

"Babe gising na, nandito na tayo sa inyo" narinig kong sabi ni Eliz na gumising sa akin.

Kinusot ko ang mata ko saka tumingin sa paligid. Madilim na pala. Nasa tapat na kami ng gate namin

"Babe hindi ka ba bababa?" Tanong ko saka ako lumingon sa kanya, she's wearing this sexy smirk on her gorgeous face.

"Bababa po" she said and tapped my cheek. "Tara ibaba na natin yun mga pasalubong" sabi nya habang binubuksan yun pinto ng kotse. Inayos ko muna yun damit ko na medyo nalukot dahil sa pagtulog ko saka lumabas na din ng kotse.

Bitbit namin ang mga pasalubong ay masayang pumasok na kami ng bahay namin. Mabilis kaming sinalubong nina ate at mom.

"Hey litt girl nakabalik na pala kayo. Ano yan pasalubong nyo? Ang dami" tuwang tuwang sabi nito habang tinulungan kami sa pagdala ng hawak namin sa paglagay sa table.

"Anak nag enjoy ba kayo? Saan kayo naggala nitong si Bechay?" Sabi ni mom ng makaupo na kami sa couch. Magkatabi kami nina Ate at Eliz, si Mommy nakaupo sa tapat namin.

"Awww tita it's no longer bechay, Eliz na is the name" reklamo ng babe ko sabay pout ng lips nya. Haha cute, ang sarap ikiss.

"Haha o sige Eliz na kung Eliz" naiiling na sabi ni mom habang nangingiti.

"Sa Sky ranch kami nagpunta Mommy, sumakay kami ng super viking!  Saka coaster, tapos kumain kami ng mushroom burger!" Hyper na sabi ko habang nagbobounce pa ako sa upuan.

Nakatingin lang sa akin sina ate Amber at Eliz, obvious ang amusement sa mga mukha nila.

"Calm down little girl, hindi naman obvious na nagenjoy ka" nangingiting sabi ni ate amber.

"Mukhang masaya nga dyan anak, dapat sa susunod kasama naman kami ng dad mo at ni Amber"

Tumingin ako kay Eliz, tumango lang sya "Oo naman tita, the more the merrier"

"Oo nga nainggit ako sa lakad nyo ha, si Aaron kasi walang hilig gumala"

"Don't worry Am, gagala tayo. Nakapunta na ba kayo ng manila ocean park?" Tanong ni Eliz habang pasimple nilagay ang braso nya sa waist ko, kung titignan mo sa malayo ay parang nakatukod lang sya sa likuran ko. Napangiti tuloy ako saka sumulyap sa kanya. Nakangiti din sya pero hindi tumitingin sa akin.

"Naku hindi pa, sige doon tayo" sabi ate na halatang naexcite. Paano naman kasi nag asian tour na sila dati nina Mommy pero ang pinas ay hindi pa naman nila nalilibot.

"Sige ate akyat muna kami ni Eliz, papahinga lang" paalam ko, paano naman kanina pa ako pasimpleng tsinatsansingan ng girlfriend ko. Gusto ko muna uli syang masolo.

"Sige, alam kong pagod kayo" sabi ni ate, tumayo din papunta doon sa pasalubong namin na nasa table.

"Sige tita"

Ngumiti lang si Ma habang nakatingin kay ate Am na pinapapak na yun buko pie.haha.

Hila hila ko si Eliz sa braso papunta ng kwarto ko.

Pagsara ng pinto ay niyakap agad ako ni Eliz sa likod "Babe, pagod ka ba?"

Humarap ako sa kanya and I cupped her face "Hindi naman masyado babe"

I said smiling.

Nakapikit si Eliz saka pinatong yun ulo nya sa balikat ko "Tulog na tayo Babe"

My so-called Lez Life (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon