Chapter 23 - Date-saster

41.5K 825 50
                                    

Eliz P.O.V.

Nagising ako sa liwanag na tumama sa mata ko. Pinilit ko dumilat.

Umaga na pala.

Wala ng ulan, maaaliwalas na ang paligid. Tinignan ko si Autumn na nasa tabi ko, natutulog pa din sya habang nakahilig sa balikat ko. Medyo nangangawit na yun balikat ko pero ok lang kaya pa naman. Natuyo na yun damit na suot namin dalawa.

Napansin ko na gumalaw na si Autumn, nagising na din ata.

"Babe?" Tawag ko sa kanya pero hindi naman sya sumagot.

Doon ko lang naramdaman na parang ang init nya, hinipo ko sya sa noo. My gosh ang init nga nya, nilalagnat na pla sya. Kailangan na namin makaalis sa lugar na to. Maingat kong inalis ang braso ko saka sya isinandal sa pinto sa side nya.

Binuksan ko ang pinto ng kotse saka lumabas, tinignan ko ang gulong ng kotse na nakabaon sa putik. Paano ko kaya maiaalis sa putikan ang gulong. Lumingon lingon ako..baka sakaling may tao na pwedeng tumulong sa akin.

Kaso wala, sino ba naman kasi magagawi sa liblib na lugar na to. Parang gusto ko na magsisi bakit ko pa dinala si Autumn dito, sana simpleng kumain na lang kami sa labas. Si Angel ang nagsuggest ng place na to, lupain kasi nila ito kaya alam nya na may tagong magandang lugar dito.

Napabuntong hininga na lang ako. Feeling helpless.

Sinilip ko si Autumn sa loob ng kotse, nakakaawa naman sya nagkasakit pa tuloy dahil sa akin. Naramdaman ko na lang na nag iinit na ang mata ko. God tulungan nyo naman kami.

Nasa ganun akong posisyon ng makarinig ako ng kaluskos sa likuran ko, paglingon ko 2 binatilyo sa kalayuan na tila namumulot ng panggatong. Madami kasing nalaglag kagabi dahil sa lakas ng ulan.

"Boy!" Sigaw ko sa kanila saka ako kumaway. Napatingin naman sila sa akin at dahan dahang lumapit. Parehong nakasuot ng kupasing shorts at tshirts ang dalawa, siguro mga edad 15 o 16 sila.

"Hi! Pwede ba ako makahingi ng tulong sa inyo?" Ngumiti ako sa kanila. Nagkatinginan muna sila saka tumango sa akin.

"Nalubog kasi sa putik yun kotse ko, pakitulak naman yun kotse habang papaandarin ko"

"Sige po ateng maganda" sabi ng isa.

"Salamat" mabilis akong pumasok sa kotse, inistart ang kotse at binuksan ang bintana. Nakita ko na yun dalawa na nakapwesto sa likuran nakahawak na sa sasakyan.

Sumilip ako sa kanila "Pag andar ko itulak nyo lang ng malakas ha?" Tumango lang sila bilang pagsang ayon.

Tinapakan ko na ang gas "itulak nyo na!" Sigaw ko sa kanila. Isang malakas na tulak at tapak sa gas ay gumalaw na din ang sasakyan. Sa wakas nakaalis na din sa putikan ang gulong.

My so-called Lez Life (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon