Chapter 38 - Kiss and make up

39.6K 736 41
                                    

Hello readers eto na yun next chap ng love story nina Eliz and Autumn,sana magustuhan nyo ;)

Dapat kagabi ko pa sya maupload kaso tinopak un connection ko.

wow nasa 90k reads na yun MSCLL. haha salamat naman sa nagbabasa at nakakaappreciate ng story nilang dalawa.

_______________________________

Eliz P.O.V.

Kinabukasan paggising ko ay mabigat ang katawan na bumangon ako at saka naligo. Paglabas ng banyo ay sinuot ko ang unang damit na nahugot ko sa closet.

Pagbaba ko ay binati ko sina Mom at Tito. Humalik ako sa pisngi nila bago magpaalam.

"Anak hindi ka man lang ba kakain?" Tanong ni 'Ma habang papalabas na ako ng pinto.

"Sa school na lang po" saka ako pilit na ngumiti.

Pagdating sa school ay umupo muna ako sa may bench, napaaga ang dating ko. Nasanay na kasi pumapasok ng ganitong oras...lagi kasi kami nagaagahan ng sabay ni Autumn. Speaking of my babe, napagisipan ko kagabi na ibibigay ko na sa kanya ang "space" na hinihingi nya. Ngayong araw ay hindi muna ako lalapit at magpapakita sa kanya.

Hindi ko alam kung kakayanin ko na hindi man lang sya matanaw, pero para sa kapanatagan nya ay pipilitin kong gawin. Baka sakaling mamiss nya din ako o maisipan nya ng makipagbati sa akin.

But knowing Autumn, wala ata sa bokabularyo nya ang salitang unang makikipagbati. Mapride sya alam ko, kahit saglit pa lang kami nagkakasama ay nakakabisado ko na ang ugali nya.

Pero kahit ganun si Autumn ay hindi nabawasan kahit konti ang love ko sa kanya, habang mas tumatagal nga mas lalong lumalalim ang pagmamahal ko sa kanya. I'm madly inlove with her.

Naisipan kong kuhanin yun cellphone ko saka tignan yun mga pictures namin sa Tagaytay. Hindi ko mapigilang mapaluha, sobrang saya pa namin dito. Imagine noong isang araw lang ito...pero ngayon napakamiserable na ng buhay ko.

Yun huling picture ang pinaka gusto ko sa lahat, yun stolen shot ko sa kanya habang nakatingin sya sa magandang view ng taal volcano. Pero para sa akin mas maganda pa syang tignan kesa sa kahit anong magandang tanawin. Hinawakan ko yun picture nya sa cellphone...I really really miss her saka ko ito niyakap ng mahigpit.

"Eliz?" May boses na pumukaw sa maagang pageemote ko dito. Pasimple kong pinunasan ang luha ko sa mata saka nilingon ang pinanggalingan ng tinig.

Si Angel.

"Eliz!!" Sigaw nya saka ako niyakap ng mahigpit.

"Angel long time no see" gumanti ako ng yakap, ang tagal na namin talagang hindi nagkita.

"Oo sobrang tagal na talaga, dahil may chick ka na nakalimutan mo na ko ha" sabi nya habang kumalas ng yakap sabay pout ng lips.

Bigla akong natigilan, napansin nya ang reaksyon ko "O anong nangyari don't tell me wala na kayo?"

Umupo kami saka ako humarap sa kanya "Parang ganun na nga, nakipagbreak sya sa akin kahapon" sabi ko at nagsisimula na naman mag init ang mata ko, napatungo ako para itago ang nagbabadyang luha dito.

"Hay naku girl babae lang yan, sumama ka na lang sa akin mamaya sa Royalty bar" sabi nya sabay hawak sa balikat ko at saka ako hinarap sa kanya.

"I'm sorry Angel wala ako sa mood lumabas ngayon" sabi ko saka napabuntong hininga.

"Tapos ano? Magmumukmok ka sa kwarto mo at mag iiyak? Kilalalang kilala kita Eliz"

Tumingin ako sa relo, malapit na pala magsimula ang klase ko. Tumingin uli ako kay Angel "Sige pag iisipan ko" sabi ko saka tumayo na ko "Alis na ko magstart na yun 1st class"

My so-called Lez Life (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon