Chapter 12 - The culprit

42K 872 17
                                    

Autumn P.O.V.

Hindi agad ako nakatulog kagabi pag alis ni Eliz. Wala ako ginawa kung hindi magdamag na nag isip. Nag isip na baka may alam na si Eliz. Kaya ngayon pagpasok ko sa Univ eh inaantok pa ako.

Buti na lang yun sasakyan ni Windsor ang ginamit namin now kasi parang hindi ko pa kakayanin pang mag drive.

"What happened to you at antok na antok ka na naman?" Tumingin sandali si Windsor sa akin bago binalik sa daan ang tingin. Kasalukuyan kaming nasa byahe papasok ng school.

"Ewan...may insomnia na ata ako" dinidilat ko ang mata kong pilit pumupikit.

"Owss baka may inisiip ka lang, iniisip mo ako no?" Nakangising sabi nya.

"Asa ka" I glared at him bago sumandal at pumikit uli. Narinig ko pa ang malakas na tawa nya ako nakaidlip uli.

"Princess gising na...nasa school na tayo" gising sa akin ni Windsor.

Humikab muna ako bago dumilat. Nasa parking area na pla kami, nakabukas na ang pinto ko at dun sya nakatayo nakatingin sa akin.

Kinuha nya ang backpack ko bago nya na ako hinila patayo.

 

"Tayo ka na malalate na tayo" Halos ma out of balance ako sa ginawa nya kaya napasandal ako sa dibdib nya.

Nakasimangot akong tumingala sa kanya, susungitan ko sana pero natigilan ako ng narealize ko na sobrang magkalapit na pla ang mukha namin. Titig na titig sya sa mga mata ko bago bumaba ang tingin nya sa mga labi ko.

Para akong nakatuka ng ahas hindi ako makagalaw, kakaiba ang tingin ni Windsor sa akin now. Tingin na ngayon ko lang nakita .....o ngayon ko lang napansin.

Natigil lang ang titigan moment namin ng may nagsalita sa likuran namin.

"Wow parang ganitong ganito yun napanood kong scene sa isang movie where the lead stars were about to kiss" sabi ng tinig.

Mabilis kami naglayo ni Windsor at sabay na lumingon.

Isang girl na maikli ang hair katabi ang nakasimangot na si.....Eliz?

"E-eliz..." I said stuttering...as usual.

"Eliz!" Napangiti aga si Windsor ng makita kung sino ang nandoon.

"Hey nandito din ako, Angel is the name" nakangiting sabi ng kasamang girl ni Eliz.

"Oh hi Angel" si Windsor pero kay Eliz pa din nakatitig.

Pilit na ngumiti si Eliz kay Windsor..hindi man lang tumitingin sa akin, parang wala ako dito,

My so-called Lez Life (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon