Chapter 40 - That jerk

35.8K 631 40
                                    

Eliz P.O.V.

Salamat naman at natapos na din ang nakakatamad na activity namin kanina.

Nagmamadali kong tinext si Autumn to tell her na tapos na yung klase namin. Hindi sya nagreply kaya i decided na puntahan sya doon sa tapat ng building nila, for sure dun lang sya naghihintay.

Malayo pa lang ay natanaw ko na sya, sumikdo agad ang puso ko na makita sya. Pero nagulat ako ng napansin ko na hindi pala sya nagiisa, katabi nya si Windsor at tila may seryoso silang pinaguusapan.

“Hey guys..” bati ko ng makalapit na ako.

Mabilis na nag angat ng tingin yung dalawa. Si Windsor ang laki ng ngiti, samantalang si Autumn ay tila may iniisip na problema.

“Hi Eliz...” Si Windsor.

“Hey..” sagot ko saka ako tumingin sa babe ko at tumabi ng upo sa kanya.

“Tara lunch na tayo?” tumingin ako sa kanya. Seryoso lang kasi sya nakatingin sa lap nya.

Hindi ko tuloy maiwasang mag alala, may nangyari kaya?

Nakita kong tumango naman sya saka tumayo na. Sumabay na din ako ng tayo sa kanya saka sumulyap kay Windsor.

“Ikaw Windsor hindi ka pa maglunch?” tanong ko.

“Kakatapos lang namin kumain kanina after ng practice” nakasmile na sabi nya.

“Ah sige see you later” sabay kaway ko, nagmamadali na akong sumunod kay Autumn na nauna ng naglakad papunta ng cafeteria.

Ng naabutan ko sya  ay mabilis ko syang hinawakan sa kamay at saka hinarap sa akin.

“Babe bakit? May problema ba?” sabi ko habang nakatitig sa mga mata nya.

Pero sa halip na sagutin yung tanong ko—

“Sa labas na lang tayo kumain” sabi nya saka naglakad na uli papunta ng parking.

Kahit naguguluhan ako sa nangyayari ay sumunod na din ako sa kanya.

Pagdating sa parking ay tahimik lang kami habang binuksan ko yung pinto ng kotse.

My so-called Lez Life (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon