Chapter 42 - Heartsick

33.4K 672 52
                                    

Autumn P.O.V.

Pag uwi ng bahay ay hindi pa din mawala ang lungkot ko dahil kay Windsor. I was hoping someday ay maging ok na sya at maibalik namin ang dating pagkakaibigan naming dalawa.

Dumaretso ako sa room ko at nahiga sa kama. Nakatingin lang ako sa ceiling at nag iiisip isip.

Sina ate Am at Windsor na ang mga nakakaalam ng relasyon namin ni Eliz. Si ate kahit alam ko na hindi sya sang ayon sa aming dalawa ni Eliz ay nakikita ko na hindi naman sya hahadlang sa amin, inaaalala lang nya ang magiging reaksyon ng mga magulang namin kapag nalaman na nila ito.

Hayyy. Bakit naman kasi napakakomplikado ng lahat. Bakit kung lalaki ang dadalhin at ipapakilala ko dito ay walang magiging problema...pero kapag si Eliz, na isang babae din kagaya ko, ay katakot takot na problema..

Pero problema nga ba? Nagmahal lang naman ako...masama bang magmahal? Naging problema lang yung dahil sa pareho kaming babae.

Pero mahal ko si Eliz....mahal na mahal ko sya. Kahit mahirap ang pinagdadaanan at pagdadaanan pa namin ay hindi ko sya iiwan at hindi ko isusuko ang relasyon naming dalawa.

Nasa malalim pa akong pag iisip ng biglang tumunog ang phone ko. Nagmamadali ko itong hinanap sa bag ko.

Eliz calling....

"Babe...nakauwi ka na?" tanong ko agad pagkasagot.

"Oo kakadating ko lang, nandito na ako sa room ko"

"Ahh mabuti naman"

"Sad pa din ba ang babe ko?" malambing na tanong nya.

"Oo babe...pero magiging ok naman ako dahil nandyan ka"

"Good. Ayoko kasing nalulungkot ka.."

"Magiging ok din ako..inaalala ko lang kapag magkikita kami ni Windsor sa school. Alam kong mag iiwasan na kami" hindi ko na naman mapigilang malungkot ng maisip ito.

"Hayaan mo muna sya para matanggap nya yung katotohanan about sa atin.."

"Oo nga eh, nanghihinayang lang ako sa friendship namin" naiiyak na sabi ko. Ilang taon pa lang kasi kami magkaibigan at magkasama na kaming dalawa ni Windsor. Parang hindi ko maimagine na hindi na kami mag uusap at lalabas kagaya ng ginagawa namin dati.

My so-called Lez Life (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon