Chapter 26 - Dating game

39.7K 744 47
                                    

Autumn P.O.V.

Sinilip ko si Eliz paglabas nya ng bahay namin. I felt my heart just died when she went inside the car and left.

Bakit nga ba kasi hindi ko sya pinigilan?

Nanghihinang napaupo ako sa edge ng kama.

Eliz..

Hindi ko namalayan pumatak na pala ang luha ko.

"Ginusto mo yan, magdusa ka" umeepal na naman ang kunsensya ko.

Lumabas ako ng kwarto at bumaba, need ko ioff lahat ng ilaw at ayusin yun ibang kalat bago ako matulog...ng mag isa, di sana kasama mo sya kung hindi --

"Tama na ng kunsensya nangyari na wala na ako magagawa" sagot ko sa sarili ko.

Tignan nyo na. Nababaliw na ata ako, pati sarili ko inaaway ko na.

Kinuha ko yun box ng pizza sa may table at saka pinasok sa ref. Pabalik na ako ng living room ng mapansin ko yun plate na nasa table.....yun carbonara na niluto ni Eliz.

Nag init na naman ang mata ko ng maalala ko sya..dahan dahan akong lumapit sa may table at saka kinuha yun carbonara na nasa plate, inireheat ko sa microwave. Kakainin ko na lang bago ako matulog.

Ayokong masayang yun pinaghirapan lutuin ni Eliz para sa akin.

Ang sweet nya talaga. Sobra.

Nakakamiss tuloy.

Pumatak na naman ang luha ko, mabilis ko pinahid. Kinuha ko yun carbonara sa microwave pagkatapos at malungkot akong kumain.

********************

Kinabukasan ay bumangon ako ng maaga, pinakiramdaman ko ang sarili ko.

Mukhang ok na naman. Pwede na akong pumasok. Pagkatapos maligo ay tinext ko agad si Windsor para sumabay sa sa kanya pagpasok. He asked kung ok na daw ako and sabi ko oo ok na.

Pagkabihis ay nilock ko na ang pinto bago ako naghintay sa labas sa pagdating ni Windsor.

Ilang sandali lang ay dumating na din ang hinihintay ko, bumaba sya ng kotse. "Princess ok ka na ba?" Halata ang pag aalala sa mukha nya.

"Yup, wala na akong lagnat" binuksan ko ang pinto ng kotse nya at tahimik na sumakay. Pumasok na din si Windsor at inistart na ang sasakyan.

Pasulyap sulyap lang sa akin si Windsor habang nasa byahe kami. Nakasandal lang ako sa upuan at nakatingin sa labas ng bintana.

"Ahh Princess..galit ka pa dahil sa nangyari kagabi" alanganin pa syang itanong.

"Hindi naman ako nagalit..." sagot ko pero nakatingin pa din ako sa bintana.

My so-called Lez Life (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon