Chapter 27 - Her

39.3K 823 68
                                    

Eliz P.O.V.

"We're here" boses ni Windsor ang pumukaw sa akin, kanina pa kasi ako tulala sa byahe namin. Magkikita na uli kami ni Autumn mamaya...ang lakas tuloy ng kaba ng dibdib ko.

Biglang natense ako, ang tagal na kasi mula ng huling makita ko sya..noong monday pa ata sa may Cafeteria

Bumaba ng kotse si Windsor umikot sa side ko at pinagbuksan ako ng pinto.

Nasaan ba kami? Luminga linga ako sa paligid. Malapit ata kami sa dagat.

Inalalayan ako ni Windsor sa pagbaba at saka nya nilock ang kotse nya.

"Let's go" inabot nya ang kamay ko para hawakan. Hinayaan ko na lang.

Lumakad kami ni Windsor papasok sa area, wala ako sa sariling sumunod lang sa kanya. Lumilipad ang isip ko.

"Eliz...ok ka lang ba?" May pagaalalang sumulyap sa sya sa akin.

"Yeah.." sagot ko pero sa dinadaanan namin nakatingin.

Hindi ko namalayan na huminto na pala kami sa paglalakad. Tumingala ako nasa tapat kami ng isang malaking puting yate, maganda ang design at halatang bago lang.

"Dito tayo?" Nagtatakang tumingin ako kay Windsor.

"Yup" sagot nya.

May lalaking nakatayo sa tabi ng yate, saglit syang kinausap ni Windsor. Pagkatapos ay inalalayan uli nya ako papasok na sa loob ng yate. Gumala ang paningin ko sa buong area nito pagpanhik namin.

Malawak ang deck area nya...stylish at moderno ang pagkadesign. Combination ng white ang sky blue color ng interior ng yate. May leathered white lounge chairs sa magkabilang side nito at mga mahabang chaise lounges na sky blue naman ang kulay sa tabi nito. How cute.

May nakita pa akong jacuzzi na color white sa gilid ng deck, nagkalat sa tabi nito ang mga deck chairs na kulay sky blue.

Wow this yatch is definitely a luxurious one. I wonder kung saan narentahan o nahiram ito ni Windsor, mukhang mamahalin eh.

Napansin ko rin na may 2 table na nakalagay sa gitna nito. May nakalagay na 2 porcelain plates na nakataob, 2 wine glass, spoon and fork na maayos na nakalapag sa tabi nito. May wine bottle din na nakalagay sa kulay silver na bucket na puno ng yelo.

May guy na nakatayo din sa gilid, tila hinihintay kami. Nakasuot sya ng all white na uniform at may hawak na 2 bouquet ng flowers.

"Good evening sir, mam" bati nya sa amin saka lumapit, inabot kay Windsor ang 1 bouquet ng bulaklak.

"Thank you" sagot naman ni Windsor. Saka nakangiting binigay nya sa akin ang bulaklak na napakaganda ng pagkakaayos, mukhang mahal din. Pinaghandaan talaga nilang mabuti ang date na to ah, naisip ko.

My so-called Lez Life (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon