Chapter 24 - Double date

42K 762 57
                                    

Autumn P.O.V.

Nagising ako at naramdaman ko na tila nakahiga ako sa malambot at mabangong unan, mas siniksik ko pa ang sarili ko dito. Pero ng naramdaman ko tila gumalaw ang aking "unan" ay mabilis akong napadilat at tumingin dito.

OMG si Eliz pla ang yakap ko at hindi unan, nakayakap ako sa bewang nya habang nakasiksik sa pagitan ng dibdib at leeg nya. Nakapatong pa ang isang binti ko sa kanya, habang ang isang braso naman nya ay nakayakap sa balikat ko.

Hindi ko napigilang pagmasdan sya habang natutulog, perfect talaga ang facial features nya..hindi nakakasawang pagmasdan. Hindi ko tuloy napansin na napahigpit lalo ang yakap ko sa kanya, ang sarap nyang yakapin, parang ayaw ko na tuloy matapos ang sandali na to.

Kaso ang problema nawee wee na ko, wala akong choice kung hindi tumayo at pumunta ng CR. Dahan dahan kong kinalas ang pagkakayakap nya sa akin para hindi sya magising. Patayo na ako ng marinig ko nagsalita sya at hinawakan ako sa kamay para pigilan "Where are you going babe?" Nakadilat ang isang mata nya, halatang inaantok pa.

"CR.."

"Kaya mo ba? Samahan kita?" Sagot nya habang kinukusot ang mata. Ang cute cute nya tignan pag bagong gising.

"Eliz may sakit nga ako pero hindi naman ako baldado" di ko maiwasang matawa.

"Nag aalala lang naman ako babe" nakakatawang nagpout pa sya ng lower lip nya.

"Ok lang ako..kaya ko na" tinitigan muna nya ako sinisigurado kung ok lang ako talaga..saka nya na binitawan ang kamay ko at hinayaan ako na makatayo.

Nagmamadali akong pumunta ng CR, baka maabutan na ako.

"Babe anong gusto mong kainin?" Narinig kong tanong nya parang nasa likod lang sya ng pinto.

"Hmmm" ano nga ba? Ayoko naman kumain ng rice. Alam ko na pasta na lang "Carbonara" sigaw ko sa kanya, bigla tuloy ako nagutom. Kaninang umaga pa yun last na kinain ko na sopas.

Pagbukas ko ng pinto ay naabutan ko si Eliz na naghihintay sa labas ng pintuan. Nakatingin lang sya sa akin, kinabahan tuloy ako..wala naman sya sigurong binabalak.

"B-bakit Eliz?" Sobrang lapit nya sa akin at doon ko lang napansin ang suot nya, tshirt at shorts ko. Parang ang sexy ng damit ko pag suot nya.

"Babe..." nilapit nya pa yun mukha nya sa akin. My gosh! Hahalikan ba nya ako? Hindi pa kaya ako nakapag toothbrush. Pinigil ko tuloy huminga.

"Y-yes..?" Tumayo na ata lahat ng balahibo ko..one inch na lang ang pagitan ng mukha namin.

Sobrang kaba at anticipation ang naramdaman ko titig na titig lang ako sa magandang mata nya.

Hinawakan nya ako sa braso.

"Alis ka na dyan babe...ako naman gagamit ng CR" hinila nya na ako paalis sa pintuan.

My so-called Lez Life (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon