Chapter 25 - it's a date

39.3K 712 54
                                    

Eliz P.O.V.

"Isasama natin si Autumn, ihanap mo sya ng partner. Double date tayo" seryosong sabi ko kay Windsor pero kay Autumn ako nakatingin. Kitang kita ko ang reaction nya, her mouth hang open sa sobrang shock.

"No way!" She exclaimed. Puno ng pagtutol ang mukha nya.

"Fine. Eh di walang date" nonchalant na sagot ko while checking my nails.

"Princess please sama ka na" humarap sya kay Autumn at tila nagmamakaawang sabi ni Windsor

Asar na tumingin sya sa aming dalawa ni Windsor "Kung gusto nyo magdate na dalawa, wag nyo na ako idamay ok?!" At saka mabilis na tumayo at patakbong umakyat sa kwarto.

Parang wala lang sakit kung makakaripas ng takbo. Sinundan lang namin sya ng tingin ni Windsor.

Tumingin sa akin si Windsor "Do we really need to...."

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin nya, I looked at him "Yep"

"Oh..ok" tila nagisip ito kung paano mapapayag si Autumn.

Honestly nasaktan ako kanina when Autumn asked me to have a date with Windsor, I thought we already had something special. Lalo na sa mga napagdaanan namin kahapon, but I was wrong.

I only meant nothing to her...yun ang kinakasama ng loob ko. Kaya kung gusto nya talagang magdate kami ng bestfriend nya dapat kasama sya because at the back of my mind...I wish she would regret na iset up nya ako sa kanya. Windsor was a nice guy.. pero may umuukupa na sa puso..

Si Autumn.

At mahal ko na ata sya.

Natigil lang ang malalim na pag iisip ko ng magsalita si Windsor.

"Kakausapin ko na lang si Autumn pag ok na sya, I mean hayaan ko muna syang makapagpahinga at gumaling bago ko kulitin"

"Ok.." walang interes na sabi ko..ang isip ko nandun sa babae sa itaas na kwarto

Tumayo na si Windsor "ahh Eliz..aalis na ako, kita na lang tayo sa school" he smiled at me.

Pilit na ngumiti din ako saka tumayo, hinatid ko na sya sa may pintuan.

"Bye Eliz..ingat kayo ni Autumn dito" kumaway pa sya bago lumabas ng gate.

"Bye Windsor, ingat ka din pag uwi" saka ko na sinara ang pinto. Tumingin ako sa 2nd floor ng bahay...sa pinto ng kwarto ni Autumn.

Dahan dahang umakyat ako ng hagdan. Bubuksan ko sana ang pinto ng kwarto nya pero nakalock. Kumatok ako "Autumn please open the door", pero walang sagot sa loob. Tulog na ata si Autumn.

My so-called Lez Life (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon