Chapter 46 - My competition

44.4K 702 87
                                    

Hello readers! I just want to inform you that if you haven't read  "My sweet condo-meeting" and Why can't it be, you might be confused with this chapter.

Medyo nafast forward na din po yun story  dahil sa susunod na kabanata na ng relasyon nila.

Yun lang po. Enjoy reading!

 

__________________________________________________________

 

Autumn P.O.V.

‘Gosh bakit naman kasi kailangang maging ganito kumplikado ang lovelife ko?

 

Hindi kasi maalis sa isip ko yung sinabi ni Ate kanina. Somehow ay nakaramdam ako ng guilt sa inasal ko kanina sa harapan ni Dad, yung nasigawan ko sya at nasabihan pa ng hindi maganda.

Daig ko pa ngayon ang nasa pagitan ng naguumpugang bato. ‘Hay sana malagpasan ko din ito’. Pumikit na ako at pilit na matulog, maaga pa kasi ako papasok bukas. Kahit 9 pa yung pasok ko dapat mga 7 pa lang nasa school na ako 8am kasi yung pasok ni Eliz. Kailangang magkausap uli kami. Thinking about her ay kahit paano ay gumaan ang bigat sa dibdib ko knowing na hindi ako nagiisa sa problema na ito.

********************

Eksaktong 7am ay nasa parking na ako ng school, umupo ako sa gilid ng area habang hinihintay si Eliz. Maaga akong umalis sa bahay, nagtanong nga si Ate bakit ang aga kong papasok. Sinabi ko na lang may iresearch pa ko sa library. Nakasabay ko din mag agahan kanina si Dad, humingi ako ng sorry sa nangyari kagabi at napagtaasan ko sya ng boses. Kahit  meron  kaming hindi pagkakaintindihan ay hindi ko pa din mawawala ang paggalang ko sa kanya bilang ama ko.

So anyway hindi naman nagtagal ay natanaw ko na ang papadating na kotse ni Eliz. Tumayo na ako at lumapit sa slot na pinaradahan nya. Nagmamadali syang bumaba ng makita ako at agad akong niyakap ng mahigpit. Napansin ko agad ang panlalalim ng mata nya, sigurado ako na kagaya ko ay hindi din sya nakatulog ng maayos kagabi.

Hinila nya ako papasok ng kotse, pagkasara ay bumaling sya sa akin “Babe ano na ang nangyari? How are you and your dad?”  puno ng pag aalala ang mukha nya. Nagdalawang isip tuloy ako kung sasabihin ko sa kanya yung kundisyon ni Dad, baka lalo lang syang mag alala kasi.

Medyo ok naman kami, kanina bago ako umalis nakausap ko sya at humingi ako ng sorry sa nasabi ko kagabi. Nakakabigla lang kasi yung desisyon nya” ayun bigla na naman ako nalungkot, at paanong hindi? Eh ilang buwan na lang at nakaamba na ang paghihiwalay naming dalawa.

“Babe hindi ko kakayaning malayo sa’yo..” naiiyak na naman sya.

Napatungo ako, hindi ko kasi kayang salubungin yung takot sa mga mata nya “Ako din naman eh, kaso wala akong magagawa sa gusto ni Dad...”  hinila nya ako sa braso at saka niyakap ng sobrang higpit na halos hindi na ako makahinga but i didn’t complain. Alam ko kasi yung nararamdaman nya dahil pareho lang kami.

Alam nyo yung takot na alam mo na dadating yung time na magkakahiwalay kayo ng mahal mo? Ang hirap isipin diba?

Nang medyo humupa na yung emosyon namin ay umayos na uli kami ng upo. Pareho lang kaming tahimik, nakatingin ako sa labas ng bintana habang iniisip ang dilemma na kinakaharap ko. Ilang minuto pa ang lumipas bago sya nagsalita uli  “Wag kaya tayong pumasok ngayon...”  mabilis na napatingin sa kanya. Aabsent kami? “Bakit?” naguguluhang tanong ko. “Gusto kong lumabas tayo..” bumaling sya sa akin at this time ay nakasmile na sya.

My so-called Lez Life (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon