Chapter 31 - My Autumn

41.1K 760 20
                                    

Hi readers!! Salamat naman sa patuloy nyong pagbabasa ng My so called lez life ^_^  sa mga bumoto at sa comments salamat ng marami.

o sya....nakikigulo lang.haha

___________________________________________

Eliz P.O.V.

Kinabukasan pagkatapos ng kakaiba naming "joy ride" ni Autumn kahapon ay masaya akong pumasok. I asked her again na sabay na kami mag breakfast kaya maaga uli akong pumunta ng school suot ang aking black skinny jeans, white tank top and black armani faux leather jacket.

Excited akong Nag order na agad ako ng paborito nyang carbonara para pagdating nya ay ready na ang breakfast namin.

Naghihintay ako sa usual spot namin sa cafeteria ng may biglang tumakip sa mga mata ko.

Natatawa akong nagsalita "Babe ano ba yan tanggalin mo na nga yan kamay mo" naramdaman ko na inalis nya ang pagkakatakip sa mata ko at saka ako nakangiting lumingon. Pero nawala ang ngiti ko ng mapagsino ang nasa likod ko.

Si Dominique.

"Hi Eliz..it's nice to see you here" nakangiting sabi nya.

Mabilis gumala ang mata ko, anytime dadating na si Autumn.  Ayoko naman maabutan nya na kausap ko si Dominique.

"Hey Dominique" bati ko, medyo nakahinga ako ng maluwag ng mapansin ko na wala pa naman si Autumn sa paligid.

"May hinihintay ka ba?" Maarteng tanong nito saka aktong uupo sa tabi ko.

Tumayo ako at Maagap ko syang napigilan hawak ang braso nya.

"Actually meron" saka ko sya tinitigan. Please alis na, baka dumating na ang girlfriend ko.

"Oh" sabi nya na tila napahiya sa ginawa kong pagpigil sa kanya.

"Sino girlfriend mo ba?" Tanong uli nya.

Sasagot sana ako ng biglang may nagsalita sa likuran ko.

"Eliz?"

Mabilis kong binitawan ang pagkakahawak ko sa braso ni Dominique at saka nakangiting lumingon.

"Autumn.." Nagtatanong ang mata nyang nakatingin sa akin...she's wearing this cute pink scoop neck linen tee and dark blue skinny jeans. Natutuwa ako kay Autumn dahil lately she doesn't wear this oversized tshirt na suot nya dati...although she's still wearing this nerdy eye glasses nya. Not that I'm complaining, mas gusto ko pa nga yun ganung hindi sya pansinin ng ibang tao.

I heard Dominique cleared her throat.  Lumingon ako sa kanya, oh yeah she's still here. Nakalimutan ko kasi na nakatayo pa sya sa tabi ko, paano naman pag nandito si Autumn ay sya lang ang nakikita ng mata ko.

"Ahh Autumn friend ko nga pala, si Dominique...Dominique si Autumn" pakilala ko sa kanila. Napansin ko na tumaas ang isang kilay ni Dominique at saka pinagmasdan si Autumn mula ulo hanggang paa. Tila nagtataka ito kung bakit kagaya ni Autumn na mukhang nerd ang kasama ko ngayon.

My so-called Lez Life (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon