Prologue

98.2K 1.3K 317
                                    

Autumn P.O.V.

Paano nga ba mag out sa magulang? Pwede ba yun magdadala lang ako ng babae sa bahay at  sasabihing "Mom ...Dad, girlfriend ko po"

Hindi kaya dagukan ako ng tatay ko o kaya sabunutan ng nanay ko? Mahirap kasi pag masyadong perfect at masunuring anak ang tingin nila sayo, hangga't maari ay ayaw mo silang madisappoint.

Kaso hindi ko naman ginusto maging ganito..sino ba naman gusto na maging kakaiba?

Grade 2 pa lang ako ng malaman ko na kung ano ako. 1st crush ko ang classmate ko na si Jessica, madalas ko pa nga sya silipan lalo na pag nagpapasama sya sa CR ng school namin.

Paano ba naman nasa dulong bahagi na ng school ang CR namin bukod din ay nakakatakot pa ang itsura nito. Bakbak ang pintura, tadtad ng vandalism at hindi na mailock ang mga pintuan ng cubicle. Minsan ay sabay pa kami sa loob ng cubicle...ang sweet namin diba?

Kaya pagtungtong ko ng grade six ay certified shiboli na ako at heart,  pero syempre sa panlabas ay pa demure at finesse pa din ako. Babaeng babae ika nga nila. Sangkatutak pa nga ang nanligaw sa akin, kaso kahit isa wala akong sinagot.

Paano ba naman ang mata ko ay si Jessica lang nakikita. Kaso ng taon din na yon nagkaroon sya ng boyfriend,  si Jeremy.  Laglag ang puso ko ng malaman yun, minartilyo na, ipinakain pa sa aso.

Ang sakit. Lalo na pag nakikita ko silang sweet sa klase, ang saklap nun sa unahan ko lang sila nakaupo kaya everyday torture.

Iyon ang una kong heartbreak. 

Pangako ko iyon na din ang huli.

Sa school ako lang ang simpleng si Autumn Dimaguiba, ang nerd student, mahinhin, straight at hindi makabasag pinggan.

Pero sa weekends nagiibang anyo na ako..ako na si "Summer" ang mysterious girl..sexy, hot, seductive at game na game.

Sino ang nakakaalam ng other side ko?

Wala.

And I want to keep it that way.

*********************************************************

My so-called Lez Life (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon