Chapter 11 - Angel's genius plan

42.9K 876 63
                                    

Eliz P.O.V.

Pagkatapos ng masarap na dinner namin ay saglit pa kaming nagkwentuhan nina tita at Amber. Kasalukuyan kaming nakaupo sa may veranda nila. Kinamusta lang nila ang buhay ko sa Australia pati si dad at mga kapatid ko dun.

Sabi ko maayos naman ang naging buhay ko sa Australia at maganda naman ang pakikitungo ng mga half-sisters ko. Kaya nga natransform ako sa kung ano ako ngayon dahil yun sa pagmake over at pag encourage nilang dalawa, kaya din sobra ang pasasalamat ko sa kanila.

Nadisappoint ako kanina na hindi sumama magdinner sa amin si Autumn. Gusto ko pa naman sana makipagkwentuhan sa kanya, sa buhay buhay nya o maging sa love life nya.

"May boyfriend na po ba si Autumn?" bigla ako nacurious itanong. Hindi naman nya siguro boyfriend si Windsor na obvious ang pagflirt sa akin kapag nakikita ako.

"Ay wala iha, masyadong seryoso sa pag aaral ang bata na yun kaya wala muna sa isip nya ang love life love life" sagot ni Tito

Hindi ko alam bakit parang nakahinga ako ng maluwag ng marinig yun.

"Ikaw ba iha may boyfriend ka ba naiwan sa Australia?" Balik tanong nya sa akin.

"Wala na po tito nakipag break na po ako sa boyfriend ko bago pa ako umuwi dito"

"Mabuti yan kasi mahirap din naman yun magboyfriend nga kayo pero magkalayo naman. Hindi bale sa ganda mo na yan siguradong pipila ang lalake na manliligaw sayo dito" komento nya.

Biglang natawa si Amber kaya tinignan ko sya ng masama.

"Sayang sana nandito si Autumn para makipagkamustahan din ako sa kanya" sabi ko. Bigla kasi ako naging parang interesado sa kanya.

I mean hindi sa kanya mismo kung hindi sa buhay nya.

"Naku puntahan mo na lang sa taas madalas lang kasi yun nagkukulong sa kwarto nya" suggestion ni tita. Oo nga pla why not?

Tumingin muna ako kay Amber kung ok lang ba sa kanya.

"Ok lang yun sige tatawagan ko muna si Aaron" patayo na din sya

Nagpaalam muna ako kina tita at tito bago sabay kami umakyat sa taas ni Amber.

Hinatid muna nya ako sa pinto ng kwarto ni Autumn bago sya dumaretso sa kwarto nya para tawagan ang boyfriend.

Huminga muna ako ng malalim bago kumatok.

Tok tok!

Ilang saglit pa ay binuksan na ni Autumn ang pintuan.

Ngumiti ako pagkakita sa kanya. Teka bakit parang hinihingal sya? Baka nageexercise?

"Pwede ba pumasok?" Tanong ko bago pasimpleng sumilip sa loob ng room nya, tinitignan ko kung may exercise ba sya sa loob.

My so-called Lez Life (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon