23: Childhood Memories - II

186 20 31
                                    

Chapter 23 - Part II
Childhood Memories

| Third Person's POV |
Vincent's side

Simula nang pumanaw ang nakababatang kapatid ni Vincent na si Alissa ay hindi na sila naging pamilya sa kanilang tahanan. Palaging malungkot ang kanyang ina, hindi makakain, at minsan bigla na lang tatawa, ngingiti, iiyak, o sisigaw. Ang daddy naman nito ay hindi na niya maka-bonding dahil palaging wala ito sa bahay.

Kahit bata pa si Vincent ay naintindihan niya na nalulungkot ang kanyang mga magulang sa pagkawala ni Alissa. Palagi niyang sinasamahan ang kanyang mommy at niyayakap para mapatahan ito. Pero ulit-ulit lang ang nangyari, ilang buwan na ang lumipas ay ganoon pa rin ang kanyang ina. Nangayayat na ito, halatang puyat at pagod ang mga mata, at hindi na siya makausap nang matino.

Isang araw, galing sa school si Vincent, nagtataka ito dahil wala ang kanilang mga katulong. Pag-akyat niya sa second floor ay nakita niya ang magulong kwarto ng kanyang mga magulang.

"Mommy?" Nakita ni Vincent na naghahalungkat ng gamit ang kanyang ina.

Hindi siya nito nilingon hanggang sa mapasa-kamay ng kanyang mommy ang susi ng kotse. May ngiti sa mga labi na lumapit at lumuhod ito sa harapan ni Vincent.

"Albion, anak, samahan mo si mommy ha? Susunduin natin si Alissa." Nakangiting wika nito habang hawak ang magkabilang braso ni Vincent.

"P-pero mommy, w-wala na si Ali, 'd-di ba?" Nagtatakang wika ni Vincent.

"Kaya nga susunduin natin siya. Let's go." Wika ng mommy nito. Nararamdaman at napapansin ni Vincent na may mali sa kinikilos ng kanyang mommy kaya nagkaroon siya ng ideya na huwag sumama sa kanya.

"Nasa heaven na siya, mommy." Seryosong sabi ni Vincent kahit may kaba sa kanyang puso.

Nawala ang ngiti sa mga labi ng kanyang ina at saka ito tumayo ng tuwid.

"Halika na Albion, huwag ka nang makulit." Seryosong sabi ng kanyang mommy.

Masunuring bata si Vincent lalo na sa kanyang mommy, kaya tumango na lamang ito at sumunod. Hinayaan niyang hawakan siya nang mahigpit ng kanyang ina sa palapulsuhan habang paalis sila. Nang bitawan siya nito ay napatingin si Vincent sa kanyang palapulsuhan na namumula.

Nagsimula nang magmaneho ng kotse ang kanyang mommy papunta sa sementeryo kung saan nakalibing si Alissa. Tahimik lang si Vincent sa buong byahe habang nagsasalitang mag-isa ang kanyang ina.

"Dito ka muna Albion ha? Baka maulanan ka." Nakangiting sabi ng kanyang mommy kaya tumango si Vincent.

Lumabas ang kanyang mommy at nagulat si Vincent dahil may kinuha itong panghukay mula sa carriage ng kotse. Agad na naalarma si Vincent at bigla nitong naalala ang mga payo ng kanilang mga katulong sa kanya.

"Albion, hijo, huwag ka muna masyadong lumapit sa mommy mo, delikado!"

"Bakit po delikado?"

"Hoy Nena! Itigil mo nga yan. Mahigpit na utos ni sir na huwag nating guluhin ang isip ni Albion! Naku! Alis diyan!"

Dahil sa sinabi ng kanilang mga katulong ay naisipan niyang pakinggan ang kanilang usapan noong gabing iyon sa kusina...

"Nako kawawa naman sila sir, nababaliw na nga talaga si ma'am!"

"Oo kinakausap niya sarili niya! Tapos kapag pumapasok ako sa kwarto niya hinahanap niya lagi si Alissa."

"Tsk, tsk, malala na si ma'am!"

"Kawawa si Albion kasi wala siyang alam sa lagay ng mommy niya."

School Life With You (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon