Chapter 30 - part II
We're A Team| Daixon's POV |
Nagbreak kami ni Violet noong araw na naging kami. Huling pagkikita namin bago pasukan ay noong new year. Pagkatapos ng new year, tuloy-tuloy pa rin ang komunikasyon namin. Sobrang nasanay na ako at gustong-gusto ko nang pumasok sa school para makita siya.
Noong first day of school ngayong taon ay hindi ako makapaniwalang naunahan ko ang alarm clock ko.
Bigla kong narinig ang mga pang-aasar ni Kier tuwing on game kami.
"Energy drink ni Daixon, si Violet!"
May tono pa ang pagkakasabi niya kaya tandang-tanda ko 'yon.
Imbes na mainis ay napapangisi na lang ako. Tuwing naririnig ko ang pangalan niya, mas sumisigla ako. Baka nga siya talaga ang energy drink ko, o kaya vitamins.
"Pre! May iba sa'yo," sabi ni Rylen habang tinititigan ako. Nandito kami ngayon sa roof top dahil maganda dito tuwing umaga.
"Ano?"
"Iba awra mo... 'Di ka ba inaantok?" tanong pa niya.
Noon, tuwing maaga kaming pumapasok ay natutulog lang ako.
"Hindi," sagot ko. Napanganga si Rylen habang si Vincent naman ay pinapanood lang ako.
"Sheesh! Lakas! Anong nakain mo?" tanong ni Rylen.
"Noodles," sagot ko.
"Teka... kayo na ba ni Violet?" tanong naman ni Vincent na kanina pa ako tinitgnan.
Paano niya nalaman? Manghuhula ba siya o spy? Kung alam na niya, ano pang point na i-deny ko ang nangyari, 'di ba? Kausapin ko na lang si Violet tungkol sa pagsabi ko kila Vincent at Rylen.
"Nagbreak na kami," pag-amin ko.
"Ano?!" sabay na tanong nila. Pareho sila ngayon na nalaglag ang panga.
Hindi ako pala-kwentong tao kaya hindi ko nasabi sa kanila na noong binisita nila ako sa hospital, naging kami ni Violet noon.
"Seryoso?!" nakanganga pa rin si Vincent.
"Pero nagbreak din kami agad kasi masyado daw kaming mabilis," paliwanag ko. Hindi ko na kwinento na naghalikan kami. Sa akin na lang 'yon.
"Pumayag ka?" tanong ni Vincent.
"Ano pa ba? Eh gusto ko siya."
Natawa nang malakas si Vincent at inakbayan ako. "Gago ang lakas mo tol! Isa kang simp!"
"Mukha mo, ikaw lang simp dito."
"Teka lang mga tol! Hindi talaga ako makapaniwala... Si Daixon may jowa?!" sabi ni Rylen.
"Correction, nagkajowa, break na sila," nakangising paalala ni Vincent.
"Sheeesh! Ang lala tol. Nagkajowa ka? Ni hindi mo man alam mga gusto mo---"
"Si Violet nga gusto ko," sabi ko.
Natahimik sila bago nagtawanan na parang mga kiti-kiti.
"Oh sheesh! Binata na si DaixDaix! Hooh!" sabi ni Rylen na hinahampas ang dibdib niya. Parang tanga.
"Holy cr@p! I'm so proud!" napapa-iling na sabi ni Vincent. "Kain tayo sa labas mamaya, i-celebrate natin 'to."
"Break na nga kami."
"Awtsu!"
"Ano kayo ngayon?" tanong ni Vincent.
"Malabong usapan," sabi ko. Natawa na naman sila at sinabing alam ko na daw ang term na 'yon. Tsk, mga bobo.
BINABASA MO ANG
School Life With You (Book 2)
Teen FictionEmpyrean Academy, the so-called "school of elites," will slowly reveal its true colors to the student body. The student council, the Prophet's, the Red Dragons, the Grade 10 students, the 7 Houses, and everyone else will fight for their rights. Joi...