29: New Challenges - IV

85 12 40
                                    

Chapter 29 - part IV
New Challenges

| Chelsea's POV |

Today nagulat kami dahil sa announcement ni Principal Jones. Actually, palagi naman kaming nagugulat sa mga pinagsasasabi niya kaya dapat sanay na kami.

"Today will be your review day for the exams tomorrow and on Friday. Kaya naman, walang internet simula ngayong araw sa buong school. Then phones will be confiscated by your advisers and it will be given to my office. Mamayang uwian niyo na lang ito makukuha."

Madaming nagreklamo dahil doon. "In other news, next week will be the celebration of Empyrean Academy's foundation week. The list of activities will be posted later. So, look forward for it!"

Napabuntong-hininga ako dahil hati na naman ang reaksyon ng mga estudyante. Ang iba ay nagrereklamong walang phone at internet, ang iba naman ay excited next week.

Nakita namin na pinagkakaguluhan ng mga estudyante ang naka-post sa bulletin board. Sumilip kami nila Violet at Shaira para makita namin iyon.

"Yung list ng activities yan for sure," kumento ni Shaira. Tama siya dahil iyon nga ang naka-post doon.

School Festival activities:
(for all year levels and sections)

1) Mr. and Ms. Empyrean Academy
2) Booth contest
3) Talent Show (Sing, Dance, Acting, and so on. Solo, Duo, and up to whole section)

Additional:
• special guest to be announced soon!
• tickets for outsiders will cost 250 php for entrance

"Ay, boring!" kumento ni Shaira na napapa-iling saka na umalis sa crowd. Sumunod kami sa kanya na papunta na sa room.

"Sino kaya yung special guest?" tanong ni Violet.

"Baka artista?" kibit-balikat na sagot ni Shaira. Humarap siya sa akin pagkatapos. "Chels! Tutal review day lang naman ngayon at wala tayong mga phone, what if magbrainstorm na tayo ng booth natin for next week?"

"Pwede!" excited na sagot ko. Nagmadali kaming pumasok sa room dahil sa excitement. Tinawag niya na rin ang mga kaklase naming nasa hallway para pumasok na sa room.

"Everyone! Magsi-upo kayo! May pagmi-meetingan tayo," anunsyo ni Shaira pagpasok pa lang namin sa room.

"Ano yon sis?"

"About school fest!" masayang sabi ni Shaira.

"Yeay!" excited na sabi ng mga kaklase ko. Ang iba ay wapakels lang, ang iba ay tahimik lang na napatingin sa amin.

Hinatak ako ni Shaira sa harapan habang si Violet naman ay napanguso at umupo na lang sa seat niya.

"Go Chels!" pagcheer ni Shaira bago ako iwan doon sa harap.

"Ano..." napatingin ako sa mga kaklase ko na tahimik na nakatuon ang atensyon sa akin.

Something has changed as I roamed my eyes at everyone. Noong unang punta ko rito sa harapan, wala silang interest sa mga sasabihin ko, pero ngayon, handa silang makinig. Ganito siguro kung na-earn ko na ang respeto mula sa kanila. I'm grateful for them.

"Since meron na ang list of activities next week, kailangan nating magbrainstorm para doon. First yung sa Mr. and Ms. Empyrean Academy, kailangan natin ng candidates."

"Si Daixon!" sigaw ni Rylen habang tinuturo si Daix na natutulog sa arm chair.

"Nanalo na yan sa Mr. Intrams, di na pwede yon!" sabi ni Kris.

"Edi si Kier na lang!" suhestiyon ni Rylen.

"No!" pag-angal ni Kier.

"Ano ba 'to arte ka pa! Bet mo naman!" sabi ni Kris na siniko pa ang katabing si Kier.

School Life With You (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon