Chapter 22 - part IV
Survival of the FittestThe man armed with knowledge has a better chance of survival than the man who is simply the fittest. Knowledge is the true strength. Muscle is where the myth is.
- Suzy Kassem
| Shaira's Point of View |
the flag warIn order to fit in and survive highschool, do we need to do what the majority tells us to? I don't think so. Dapat ipakita mo kung sino ka, tapos bahala na sila kung fit ba sayo ang standards nila. I say, we need to break that norms and set our own standards for ourselves.
I know I'm competitive, and people don't like that of me. Kaya naman, ang mga tumatrato sa akin na isang kumpetisyon ay pinaplastik lang ako on a daily basis. Pero yung mga taong pinapakitaan ko ng competitiveness, but still tell me what I did wrong in a way that's not boastful, they're my real friends. They accept their defeats and if I'm in the right position, they will lower their prides.
"What's the weakest point of Ephesians?" Tanong ni Vincent. Kasalukuyan na kaming nagmimeeting ng strategy para makuha ang flag ng section na iyon habang nakapila kami sa aerial chores.
It's only 1 pm, our call time for our grand camp fire is around 7 pm. So we still have plenty of time to execute this. Magkakasama ngayon ang Wednesday and Friday group dahil halos sabay kaming natapos sa muddy courses at team battles.
"Their president has no presence, I guess?" Pagkibit-balikat na sabi ni Freya.
Anong walang presence? Mayroon naman, sadyang mahina lang boses niya kaya need na ulitin ng kanilang VP ang mga sinsabi ni Leah. Hindi siya ang weakness ng Ephesians, lalo na't ngayon ay nagkakagulo sila dahil.... aha!
"I know what's their weakest point right now!" Sabi ko sabay taas ng kamay.
Kwinento ko ang tungkol sa mga sinabi ng mga kaibigan / kakilala ko sa Ephesians. Sabi nila baka daw kagagawan ng "traitor" ang nangyaring sagupaan naming mga Corinthians at Ephesians sa pagkuha ng ingredients kahapon.
"In conclusion, nagkakagulo ngayon sa Ephesians kasi hindi nila pinagkakatiwalaan ang isa't-isa. Ang primary suspects nila sa pagka-traitor ay ang mga transferee." Paliwanag ko. Nakita ko na tumango-tango ang iba habang nakikinig kaya nasiyahan ako.
"How about we make a deal with their class traitor?" Tanong ni Chelsea kaya napatingin kami sa kanya.
"Make a deal?" Tanong ni Maureen.
"Yup." Tumango si Chelsea. "I learned this move from our very own class traitor. He or she probably made a deal with Romans for them to snatch our flag."
Tumango-tango si Vincent habang nakangisi kay Chelsea. Feeling proud yata siya dahil sa observation skills ng president namin.
"But how can we know who's their traitor?" Taas kilay na tanong ni Freya.
"True! Feeling ko walang aamin pag magsusurvey tayo sa kanila." Sabi ni Kelly.
"Malamang!" Kumento ni Freya sabay irap.
"Saka ang risky non, kasi malalaman ng Ephesians na may binabalak tayo sa flag nila kapag pinakita natin yung paghahanap sa traitor nila." Paliwanag ni Axel.
"True." Kumento ko sabay tango.
"If we do it secretly, do you have any idea how?" Tanong ni Chelsea kaya napaisip kami.
"What about... we abduct and interrogate the suspects. Then we'll threaten them not to tell anyone." Suhestiyon ni Spice na may mahinahong tono.
"Huy! Parang ang brutal naman nung sinabi mo." Kumento ni Junjun na napahaplos pa ng kanyang braso. Nag-goosebumps pa ata siya.
BINABASA MO ANG
School Life With You (Book 2)
Teen FictionEmpyrean Academy, the so-called "school of elites," will slowly reveal its true colors to the student body. The student council, the Prophet's, the Red Dragons, the Grade 10 students, the 7 Houses, and everyone else will fight for their rights. Joi...