Chapter 21 - part I
Unite to SurviveThird Person's Point of View
Buwan ng Nobyembre. Simula na naman ng panibagong pagsubok sa buhay ng mga Grade 10 students ng Empyrean Academy. Maaga na bumyahe ang mga ito sakay ng kani-kanilang mga bus, per section, para pumunta sa Leaf Camp Valley.
Mahigit isang oras silang bumyahe sa highway bago nila narating ang liblib na daan, kung saan puro puno at halaman ang nasa paligid. Ang daan dito ay maraming pa-curve at paumbok dahil na rin sa pagtaas ng elevation ng lugar. Pasado alas-sais na ng umaga nang makarating sila sa Leaf Camp Valley, kaya naman ginising na ni Shaira ang kanyang mga kaklase.
"Classmates! Malapit na daw tayo sa gate ng Leaf Camp Valley kaya bumangon na kayo." Anunsyo nito habang naglalakad siya sa aisle ng kanilang bus.
"Uy bangon na guys! Para high energy tayo mamaya sa activities." Pang-eengganyo niya pa kaya naman ang iba niyang mga kaklase ay tumulong na sa pag-gising sa iba.
Kinuha pa ni Shaira ang isang stainless na planggana at sandok na nasa counter top ng bus para panggising niya sa mga kaklase. Pinatunog niya ito sa pamamagitan ng pagpukpok nang paulit-ulit, kaya naman ang mga hindi naka-earphones ay naingayan at napatakip ng tainga.
"Gising na! Gising na!" Wika pa nito habang kinakalembang ang planggana at sandok.
"Hoy! Napaka-ingay mo Shaira! Kaaga-aga oh. Pasko na ba? New Year?" Inis na reklamo ni Rylen na nasa pinakadulong row ng bus katabi nito sina Daixon, Kier, Axel, at Spice.
"Edi matulog ka pa! Para masama ka ni manong driver pabalik sa school!" Pag-irap ni Shaira.
"Yoko nga!" Inis na sabi ni Rylen at padabog niyang inalis ang kanyang neck pillow, saka umupo ito nang maayos.
"Kasi sayo ako sasama." Nakangising dagdag ni Rylen. Natahimik ang lahat ng nakaranig ng mga tatlong segundo bago sinimulan ni Rylen ang kantyaw na.... "Ayieeee!"
Sunod-sunod nang nag "ayieee!" ang mga kaklase nila kaya nagising na rin ang iba at nakikantyaw sa dalawa.
Napangisi si Vincent at natawa. Inalis na nito ang kanyang sleep mask dahil nagising na siya nang tuluyan.
"ShaiLen number one!" Kumento ni Vincent na nakikisabay sa mga kaklase nilang nangaasar.
"Love team ng taon!" Dagdag pa ni Rylen na tumatawa kaya hinagis ni Shaira ang hawak nitong sandok sa direksyon ng lalaki dahil sa inis.
Nakarinig naman si Vincent ng pag-click ng tongue kaya napalingon siya sa kanyang katabi.
"You should get up." Mahinahong wika ni Vincent sa katabi. "Hey." Niyugyog pa nito ang braso ng katabi para magising na siya, ngunit hinawi siya nito.
"Shut up, dumb@$$." Inis na sabi ni Sean saka napabalikwas paharap sa bintana para ipagpatuloy ang pag-idlip.
Napasinghap naman si Vincent para daw tiisin ang inis niya na katabi nito si Sean ngayon.
BINABASA MO ANG
School Life With You (Book 2)
Teen FictionEmpyrean Academy, the so-called "school of elites," will slowly reveal its true colors to the student body. The student council, the Prophet's, the Red Dragons, the Grade 10 students, the 7 Houses, and everyone else will fight for their rights. Joi...