27: Reveal Me - IV

168 9 24
                                    

Chapter 27 - part IV
Reveal Me

| CHELSEA'S POV |

Today is our Christmas Party. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari kahapon. Totoo ngang nakulong si Ma'am Mercy dahil sa inamin niyang krimen. Napublish online at offline sa The Prophet's ang naging issue. Pati nga sa Dandelion City local newspaper ay ibinalita iyon.

Ang bilis ng mga nangyari at parang hindi ko iyon naprocess.

Pero heto kami ngayon, nagdiriwang ang lahat na para bang hindi kami nawalan ng principal. Medyo bias siguro ako dahil hindi pa rin ako makapaniwalang drug lord si ma'am Mercy?! Even my parents couldn't believe the news they received yesterday. But at the end of the day, we have to move forward in our lives.

Halatang apektado ang ilang mga kaklase ko pero hindi namin inintindi iyon. Para bang may unspoken rule kaming lahat na huwag pag-usapan ang tungkol doon.

Mayroong maikling Christmas program sa school gymnasium kung saan nagperform ang choir at iba pang mga representative ng bawat section. Pinasali namin si Axel sa pagkanta ng Christmas song para may representative kami, mabuti na lang talented ito kaya nagawa niya pa rin kumanta.

Pagkatapos ng mga performance ay umakyat sa stage ang aming school's admin dahil siya ang acting principal ng junior high. Nag-speech siya na pang-Christmas at kasama na rin ang controversial part.

"From yesterday's Game of 10s, it was announced that Grade 10-Corinthians won for completing all the evidences. Followed by Romans who will receive 15 points, while Galatians and Ephesians will both receive 10 points."

Pumalakpak kami para magpakita ng school spirit pero hindi talaga ako makapagcelebrate. Nanalo nga kami, pero nakulong naman ang principal namin.

"The Game of 10s round 7 was arranged by our former principal, Ma'am Mercy Torres. Which lead her to the prison," natawa ang admin dahil sa sinabi niya. Pero feeling ko wala namang nakakatawa sa sinabi niya. "Anyway, I'll be your acting principal until our new one will sign the papers on January. The announcements of DSAT results will be on January as well. That's all for this year's activities. Have a blessed year end and Christmas party!"

Habang papunta kami sa kanya-kanya naming classrooms ay hindi ko maiwasang marinig ang paguusap ng ilang mga estudyante.

"Sino kaya ang new principal natin?"

"Sana hindi kasing sungit ni Ma'am Mercy!"

"Ay true! Deserve ang prison."

Nagtawanan pa ang mga estudyanteng iyon kaya napabuntong-hininga ako.

Nakita ko rin ang mga nakapaskil na newspaper sa bulletin board. The article was about the Game of 10s and the big reveal yesterday. Good for the Prophet's, their freedom of speech is back. Bea is back as well as the editor in chief. Good for them.

Naramdaman kong may tumabi sa akin kaya lumingon ako at nag-angat ng tingin sa kanya. Mukhang siya rin ay hirap na paniwalaan ang lahat.

"Our preschool teacher," sabi ko saka bumuntong-hininga sa bigat ng pakiramdam.

"Sinubukan ko siyang dalawin kagabi at kaninang umaga para makausap pero bawal pa raw," sabi ni Vincent at saka lumingon sa akin. "I needed answers and explanations."

"I know," I sighed back. "I'll try to ask tita Hera about visiting hours."

Tumango si Vincent at nagbigay ng tipid na ngiti.

"Chelsea! Vincent! Tara na sa loob, start na raw natin mga palaro," sabi ni Shaira kaya sumunod na kami ni Vincent.

Shaira and Jennica hosted our Christmas party. Sumasali rin naman sila sa mga palaro kapag trip nila. Natapos na ang trip to Jerusalem, pop the balloons relay, at kung ano-ano pang team play. Grabe ang tawanan namin kasi competitive ang lahat. Buti na lang hindi ako nagdress ngayon, or else, sayang ang postura.

School Life With You (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon