30: We're A Team - III

107 9 20
                                    

Chapter 30 - part III
We're A Team

| Chelsea's POV |

Monday night. Kanina pa ako kinukulit ng mga kaklase ko sa gc ng Corinthians na mag-open daw ako ng Instagram. Kahit hindi ko na buksan 'yon alam ko na ang nangyayari. Lalo na't sinend na sa akin ni Violet ang screenshot ng bagong gawang account ni Vincent at ng pinost niyang picture namin.

Napasinghap ako at binuksan ang notification na tinag niya ako. Nagfollow request din siya dahil naka-private ang account ko. Nang i-click ko account niya, nakita kong naka-private din siya.

"Edi wow, Vincent," binitawan ko na lang ang phone ko at humiga na.

Sabi sa akin nila Shaira at Violet sa gc naming tatlo, kaunti lang fina-follow ni Vincent, puro Corinthians lang daw. Tapos ang bio pa ni Vincent, "new account dedicated to her."

Ano yon? Ba't ganon? Sabi ko huwag niyang ipopost ang picture namin eh. Ayaw ko kasing pagtinginan kami in person at pag-usapan online at offline. 

Vincent Ocampo:

Chels, accept mo na follow request ko sa Instagram. pleaseuuuuu!

Me:

Bakit mo pinost pic natin?

Vincent Ocampo:

bawal po ba? 🥹

"Hayst!" Hindi ko alam kung ano dapat kong maramdaman.

Vincent Ocampo:

Sorry na po, delete ko na T-T
huwag kang galet pls
Chelseaaaaa
sorryyyyyy
hindi ako nagpaalam muna bago ko pinost
nadelete ko na poooo
bati na tayoooo please
wag mo ko iwan

Napasinghap ako. Gusto kong mainis sa kanya pero wala naman akong matinong dahilan. Gusto ko lang ba talaga maging private na tao o ayaw ko lang talaga na ipost niya ako?

What I know is it's best to communicate properly to clear this off, so that's what I did, after calming myself down.

Me:

sorry too. hindi ko rin kasi sure kung okay lang ba ako na pinost mo pic natin or not. but since it's a private account, at nagpaalam ka na ngayon, fine you can post it na.

Vincent Ocampo:

yeayyyyyy!
ito pala yung sinasabi nila na ✨communication is key✨
di na po mauulit promise
paalam muna bago post

Ni-follow na namin ang isa't-isa kaya nakita ko na pinagpepyestahan ng mga kaklase ko yung pic namin sa comment section. Hinayaan ko na lang dahil nakikisabay lang ako sa alon. Pero tama kaya ito?

Hindi pa ako nakakapag-decide kung papayagan ko si Vincent na manligaw. Paano kung... kumalma ako at inalis ang pag-ooverthink.

"One picture is not harmful," bulong ko sa sarili habang tumatango.

I just messaged him back.

Me:

good night, galingan mo sa pageant bukas!

Vincent Ocampo:

good night! cheer for me <3 <3 <3

Ngayong araw ng Martes gaganapin ang opening ng school festival para sa selebrasyon ng Empyrean Academy foundation anniversary. May mga banderitas na nakasabit sa bawat building, at mga lobo na iba't-ibang kulay. Madaming stalls saka booths na nakapwesto dito sa school field na ni-prepare naming mga estudyante.

School Life With You (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon