27: Reveal Me - I

151 12 24
                                    

Chapter 27 - part I
Reveal Me

| Shaira's POV |

Ang daming nangyari sa mga nakaraang linggo, pero nandito pa rin ako dahil hindi ako sumuko. Ngayong araw ng Lunes ay isasagawa ang unang araw ng Dandelion Schools' Achievement Test. Ito ang isa sa mga mag-de-determina sa top 5 best schools ng Dandelion City. Bukod kasi sa DSAT, ay idadagdag din sa scores ng schools ang resulta ng Academic Fest at Sports Fest.

"Vincent, what if someone's on drugs again?" nag-aalalang tanong ni Chelsea nang matapos ang aming flag ceremony.

Kararating lang namin dito sa classroom at ganoon na kaagad ang bungad niya. Siguro nadala na si Chelsea dahil sa mga past exams namin. Palagi kasi kaming may nababalitaan na mga estudyanteng nagdroga o may droga na dala.

"Same process," bumuntong-hininga si Vincent. "Kapag may napansin na off, ipupunta sa Principal's office saka ipapa-drug test. Tapos papaaminin sila kung saan nakuha ang droga, pero sasabihin nila na sa Dark Blue Web ang transaksyon kaya hindi mate-trace. Ang ending magrerehab sila at minsan nakikick out sa school kapag walang kuneksyon."

May halong awa ako na tumingin kay Vincent kasi mukhang pagod na ang kuya niyo. Imagine, silang mga naghahanap ng sagot ay hindi makuha ito kasi may mga ahas sa paligid ng  school kaya hindi matapos-tapos ang drug dealings dito.

Napasinghap ako at napatingin na lang sa board. Nakita ko roon sila Rianne, Jennica, at iba pa na nagtatanungan para mareview ang isa't-isa. Dati, nangunguna ako doon, pero ngayon, wala na akong energy para maging competitive.

Naalala ko noong nagrereview kami para sa DSAT, nakasama ko si Jennica sa grupo at iba pang mga Grade 10 mula sa ibang section. Nahalata ni Jennica na tinatamad akong magreview. Ewan ko ba, parang lumulutang utak ko at walang mapickup. Kaya nagpapanggap na lang ako na gets ko iyon kahit hindi.

"Shaira, parang may nagbago sa'yo," kumento ni Jennica.

Natawa ako, sinubukan kong ayusin ang tawa ko na parang totoo, pero siguro narinig niya ang pagsisinungaling ko.

"Ako lang 'to Jennica!" sabi ko.

"No, you're not," pag-iling niya. "Hindi ka na pabibo," seryosong dagdag nito.

Natawa ang mga kasama namin. Akala nila inaasar ako ni Jennica pero ramdam ko na may concern ang boses niya. Napansin siguro niya na hindi na ako nagmamagaling sa mga bagay-bagay. I still do, pero nabawasan lang.

Bakit ba ako naging ganito? Dahil ba narealize ko na hindi ko kailangan maging competitive sa lahat ng bagay? O dahil ba tinatamad ako at nawalan ng gana sa pag-aaral? Siguro, 'yung pangalawa ang tamang sagot.

"Is this Grade 10 Corinthians?" tanong ng teacher na hindi taga rito. Sinagot siya ng mga kaklase ko at binati ng good morning.

Ibang schools ang nagbabantay sa amin, dahil ang mga teachers namin ay magbabantay din sa ibang schools. Tuwing DSAT talaga ay nag-sa-swap ang mga teachers per school para wala raw dayaan. Pero bali-balita na mayroong mga teachers na binabayaran ng schools para hayaang mandaya ang mga students. Ewan ko ba.

Ipinaliwanag ng teacher na hindi dapat lumampas ang pagshade namin ng bilog dahil hindi ito tatanggapin ng checking machine. Nakaayos na ang mga upuan namin kaya magkakalayo na kami sa isa't-isa. Mayroon pa siyang ipino-provide na white folders para panangga sa kopyahan.

"Let's start your exams!" nakangiting sabi nito. 

Unang subject ay Science. Alam kong hindi ako matalino, pero malakas akong magmemorize. Gusto kong maging magaling na estudyante sa Science subject kasi parang ang talino ko kapag ganoon. Isa kasi ito sa pinakamahirap na subject.

School Life With You (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon