21: Unite to Survive - III

253 28 50
                                    

Chapter 21 - part III
Unite to Survive

Third Person's Point of View

Si Vincent nga ba ang traydor? Bakit siya ang itinuturo ng mga kaklase niya? Maraming pagdududa ang mga ito dahil sa ikinikilos ni Vincent nitong nakaraang linggo. Balikan natin ang mga tagpong iyon.

**A FLASHBACK**

Buwan ng Nobyembre. Simula na naman ng panibagong pagsubok sa buhay ng mga Grade 10 students ng Empyrean Academy. Isang linggo na ang lumipas matapos ang kanilang mini sembreak. Back to normal na ang lahat sa 10-Corinthians, at maging sa buong Empyrean Academy.

Katatapos lang ng kanilang flag ceremony nang ipaiwan ni principal Mercy ang buong Grade 10 sa kanilang gymnasium para sa announcements. Madami ang kinabahan dahil baka ngayon na gaganapin ang Game of 10s round 6.

"Hala! Magsisimula na yata, pero wala pa si pres." Kabadong kumento ng ilang mga Corinthians. Napatingin sa kanila si Vincent at napabuntong-hininga.

"They still have no idea." Bulong niya sa sarili. Hindi na lamang niya pinansin ang mga kaklase nilang nagtatanong kung bakit wala pa si Chelsea. Ayaw niya kasing magsalita nang tapos, naniniwala kasi itong babalik pa si Chelsea, kaya hindi na lang siya nagsalita.

Nang lumapit sa mic stand si principal Mercy ay natahimik ang lahat para makinig.

"Good morning Grade 10, the Game of 10s round 6 will be on Monday." Anunsyo ni Principal Mercy.

"Hooooh! Kaloka akala ko ngayon." Para bang nabunutan ng tinik ang mga kinakabahang estudyante sa Corinthians dahil sa narinig.

"You will go for a 3 days and two nights camping in Leaf Camp next Monday, and that will be the Game of 10s round 6." Nang sabihin iyon ng kanilang principal ay lahat sila natuwa at naexcite kaya umingay ang paligid.

"Yohooo! Magkakasama tayo sa tent mga pre ha!"

"Yoko nga! Humihilik ka noh!"

"Oy paano mo alam? Nagkatabi na kayo matulog?"

"Ayieee!"

"Grade 10." Natahimik bigla ang lahat at nakinig sa sasabihin ng kanilang principal. "The partnership between Romans and Ephesians, as well as Corinthians and Galatians will not be applicable for this round."

"Hala! Ano kaya yon!" Reklamo ng mga grade 10 hanggang sa umingay na muli ang buong paligid at hindi na nila naintindihan ang isa't-isa.

"Round 6 will be a battle between each sections, and we will have special guests on the camp." Napangisi si Principal Mercy nang matahimik ang lahat dahil sa pagtataka nila.

"Beks! Feeling ko mga senior high yarrrrn!"

"Shutakels makakasama kaya natin si kuya Pablo?"

"OMG YESSSS!!!"

"Settle down everyone." Madami ang umangal pero hindi iyon pinansin ng principal at nagpatuloy na lamang siya.

"Today, we will also announce the grand prize for the champions of this school year's Game of 10s." Nang sabihin niya iyon ay natigil muli ang paguusap ng lahat. Halos walang kumikibo dahil nagaabang sila ng sasabihin ng kanilang principal.

"The grand prize will be given to each students of the winning section. Kaya naman, kailangan ninyo talaga ng pagkakaisa para manalo ang section niyo.

"The first of the many grand prizes, we have the 2 years full scholarship in Empyrean Academy's Senior High School." Anunsyo ng kanilang nakangiting principal.

School Life With You (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon