Chapter 33 - part III
You and I| Chelsea's POV |
Our Valentine's date went really well. After that, hinatid ako ni Sean hanggang bahay. Tapos nameet namin si tita Hera sa gate. Agad na nagmano si Sean at bumati.
"Good evening po."
"Sean, right? Ikaw yung other manliligaw nitong si Chelsea?" taas-kilay na tanong ni tita Hera. Ganyan talaga si tita kaya para siyang nakakatakot.
"Only manliligaw, tita. Pinatigil ko na si Vincent," pag-correct ko. It's better to tell it now instead of keeping it just yet. Baka kasi magkaroon pa ng misunderstanding pag nagkataon.
Ako naman ngayon ang tinaasan ng kilay ni tita Hera. "Is that so?"
Tumango-tango ako maging si Sean.
"Hindi ko pa pala nasabi sa'yo kung kailan ka pwedeng dumalaw dito, ano?" tanong ni tita Hera na ikinatango muli ni Sean. "Kayo na lang magset para ma-meet mo mga weirdong pinsan ni Chelsea. Sabihan niyo na lang ako kung kailan," sabi pa ni tita Hera na ikinagulat ko.
She's so open and not "mahigpit" when it comes to my love life. Wow! Akala ko biro niya lang dati yung pag-imbita kay Sean para dumalaw ng legal sa bahay namin, pero heto inulit niya na banggitin. It means tita Hera really put out the go signal for Sean.
This same night, after Sean bid his farewell, I looked at tita Hera. Mukhang nagets niya na agad ang gusto kong tanungin kaya napasinghap ito.
"Chelsea, mukhang nagkamali ako sa pagpapalaki diyan sa mga pinsan mo. They're all a mess in dating and relationships," napapa-iling na sabi nito. "Kaya sa'yo, I'm trying my best to be cool about it and at the same time, I'll still monitor you."
Napangiti ako at tumango. "Thank you tita!"
I hugged her. Tita Hera is not our mother/parent but she's becoming one everyday. I'm grateful for her guidance. Sana magustuhan niya si Sean for me.
Kinabukasan... Grabe pa rin yung kilig ko umabot hanggang ngayong morning ng February 15. Nire-reminisce ko pa rin talaga lahat ng nangyari kahapon kaya nga hindi ako nakatulog nang maayos. Pero okay lang kasi masaya naman ako.
"Saya yarn?" tanong ni Raia nang madatnan ko siya sa sala.
"Yup, I feel like floating!" nakangiting sabi ko habang palabas na ng bahay.
Hindi kami mahahatid ni tita Hera ngayon kaya magko-commute lang kami. Pero nauna na ako sa mga pinsan ko dahil gusto ko nang makita si Sean.
Paglabas ko ng gate namin, nagulat ako kasi nandon si Vincent. Bigla kong naalala na pinahinto ko na siya sa panliligaw. So, anong ginagawa niya dito? Is he here to force his self to me?
"Hi, good morning," bati niya.
"Vincent," pag-singhap ko. "I told you kahapon 'di ba na---"
"Hep!" he put his index finger in front of my lips. Thankfully he didn't touch it. "Patapusin mo muna ako sa pagsasalita, Chelsea."
"Tsk, fine," hinawi ko ang hintuturo niya. "Go ahead," binitawan ko siya agad.
"Hindi ako pumunta dito para sunduin ka," pangungumbinsi niya. "Kasi Chelsea, tanggap ko na yung sinabi mo kahapon na dapat na akong tumigil sa panliligaw."
Nagulat ako sa sinabi niya kasi akala ko hindi niya agad matatanggap ang desisyon kong 'yon. Ito yung gulat na may halong saya kasi para akong nabunutan ng tinik.
"Really? That's great!" masayang wika ko.
Napasinghap si Vincent na parang mabigat pa sa loob niya ang desisyon.

BINABASA MO ANG
School Life With You (Book 2)
Teen FictionEmpyrean Academy, the so-called "school of elites," will slowly reveal its true colors to the student body. The student council, the Prophet's, the Red Dragons, the Grade 10 students, the 7 Houses, and everyone else will fight for their rights. Joi...