22: Survival of the Fittest - III

260 26 22
                                    

Chapter 22 - part III
Survival of the Fittest

"I know it's not good to be weak and helpless. But I don't think it's good to be too strong either. In our society, they talk about survival of the fittest. But we're not animals. We're human."

- Natsuki Takaya

| VIOLET's POV |
the obstacle course

8 am ang call time sa Forest C, kung saan gaganapin ang activity namin ngayong araw. Bandang 5 to 6 am ginising na kami ni Ms. Mara para makapagluto at makakain. Thank God after breakfast we still have the time to freshen up. So, I just did my skincare, a quick shower, and fixed myself.

Grabe! Gandang lip tint at pulbo ang peg ko simula nang magstart ang camping na toh. Hindi na ako nakakapaglagay ng concealer na pang hide ko ng pimple marks and dark spots ko. Wala na rin akong time para magcurl ng lashes at maglagay ng mascara. Hayst!

"Oy tara na." Alam kong boses ni Daixon yon at feeling ko nabobored na siya. Sabi ko kasi sa kanya kanina, inform niya ako kung aalis na kami.

"Wait!" Sabi ko saka ko na agad ni-glide ang lip tint sa labi ko. Niligpit ko iyon sa pink pouch ko at nilagay sa maleta ko.

"Okay, I'm ready na, let's go!" Masayang sabi ko nang makalabas na ako sa tent.

Naglakad na si Daixon paalis at sumabay na kila Vincent. Hindi na niya ako nilingon, kainis siya. Kaya ayon sumabay na lang ako kila Chelsea sa paglalakad.

One thing I noticed about Daixon is he always do me a favor. Maybe he's really helpful?

But Kier said... "Gurl! Iba na yan. Kasi 'di ba laging walang energy si fafa Daix? Tapos bakit pagdating sayo meron? Ano ka? Energy drink?"

Then Shaira added "Hoy ganon naman talaga si Daixon, matulungin siya sa mga girls."

"Really?" I asked. "How?"

"Basta, observe niyo na lang siya." Sabi pa nito sabay kibit-balikat.

I never observed him. Daixon doesn't show any emotion, he's always poker faced and straight-forward. But even though he's like that, I feel like he's interested with what I'm doing, like Kier and Axel. That's why I wanted to be friends with Daixon even though he's a guy.

I think Daixon and I became close during Intrams. Naging close din kami dahil na rin sa mga nangyari before sem break. Events like the outreach programs, Game of 10s, our quest to find "Yohan" aka chat mate ni Chelsea, the cleaning of the abandoned building of EA, the incident in the drug house, and during Freya's birthday party.

I remember.... One week before our camping, palagi na siyang mag-isa, kasi nagtetrain ng soccer si Vincent, tapos track and field naman si Rylen kaya lagi silang wala sa klase. Si Daixon naman ay sa chess club lang siya nagtetrain kaya nakaka-attend pa ito ng classes like me.

"Argh! I feel so pagod na." sabi ko sabay upo sa seat ko sa classroom.

Lunch break ngayon kaya wala ang mga kaklase ko sa room. Katatapos lang ng practice namin dahil sumali ako sa cheer leading squad, kaya madalas ako sa school gym. Hindi dapat ako sasali, pero ako lang ang walang sports o ganap sa aming magkakaibigan sa Dandelion Sports Fest, kaya ito, I work twice as hard so I won't be left alone.

Lumingon ako kay Daixon na nasa likod ko. Nakaupo lang ito habang naglalaro ng kung ano sa phone niya.

"Akala ko by doing this, magiging belong ako or what. Pero ang hirap ng routines namin gusto ko na lang mag-quit." Napangusong sabi ko.

School Life With You (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon