30: We're A Team - IV

93 9 17
                                    

Chapter 30 - part IV
We're A Team

| Chelsea's POV |

Heto na, tapos na ang pageant. Kinakabahan ako at parang nanunuyo ang lalamunan nang mapatingin ako kay Sean. Saktong tumingin din siya sa akin kaya bigla akong nag-iwas ng tingin. Mag-uusap na ba kami?

"Pa-samgyup naman kayo diyan!" pagkantyaw ng mga kaklase namin kila Violet at Vincent.

"Sure! Let's go guys!" masayang sabi ni Violet.

"I'll pass," wika ni Vincent kaya napatingin kami sa kanya. "Violet, hati na lang tayo sa pagtreat."

"What do you mean you're not going?"

"I'm gonna head home straight, I'm tired, sorry guys," sabi ni Vincent kaya nalungkot mga kaklase namin.

"Okay lang boss V! Pahinga ka!"

"Bukas mo na lang kami ilibre boss!"

Nakangiting tumango lang si Vincent bago nag-paalam. Hindi ko na siya nagawang lapitan dahil mukhang pagod siya. Napasinghap ako nang makaalis na nang tuluyan si Vincent sa stage.  His aura is so heavy.

Sinabihan naman kami ni Violet na nagpa-reserve na siya ng restaurant na malapit kaya pwede na kaming mauna doon. Inimbitahan niya rin sila Ms. Mara at ilang teachers. Kaya naman nauna na ang ibang mga kaklase namin doon dahil madami pa nagpapapicture kay Violet.

"Chelsea." Kinabahan ako sa pagtawag at paglapit ni Sean sa akin. "Let's talk first."

Napa-lunok ako at tumango. "S-saan tayo?"

"You wanna go at the abandoned building?" tanong niya. Napatingin ito kila Shaira na nasa malapit at nakatingin sa amin ngayon. "For privacy."

Tumango ako kaagad dahil hindi naman na nakakatakot ang building na iyon dahil nalinis na ito.

"Paalam muna ako kay Shaira," sabi ko.

"I'll go with you," wika ni Sean na ikinagulat ko. Pero hinayaan ko na lang siya kasi ang cute! Sasamahan niya ako magpaalam?

Lumapit kami kay Shaira na kasama ang ilan naming mga kaklase na hinihintay si Violet. I pulled her so we can talk.

"Shaira, maguusap muna kami ni Sean bago pumunta sa resto," paalam ko.

"Huh?" Nanlaki mga mata ni Shaira dahil sa gulat at napatingin kay Sean.

"I want to talk to Chelsea in private, is that okay?" tanong ni Sean kay Shaira. Kung hindi lang less formal ang pagkakasabi niya, para na itong nagpapa-alam sa parents ko.

"Yeah sige, uhm... mabilis lang ba kayo?" tanong ni Shaira. Sasagot na sana ako na susunod na lang kami ni Sean pero nagsalita ito.

"It depends," diretsong sagot niya kaya nagulat kaming pareho ni Shaira.

Yung tingin ni Shaira sa akin parang sinasabi niya na "anong klaseng paguusap ba 'yon?" Nag-kibit-balikat na lamang ako.

"Fine, mauna na kami sa restaurant. Sunod na lang kayo," sabi niya kay Sean kaya tumango ito.

Shaira looked at me as if I was someone suspicious but she just nodded and let me go. Ngumiti na lang ako at kumaway.

Tahimik naman kaming lumabas ni Sean ng gym at nakita ang mga estudyante na nag-eenjoy sa mini theme park sa field. Mabuti na lang at busy sila doon kaya walang gaanong dumadaan sa may main building. 

Nang marating namin ang likod ng main building, nakita namin na naka-ilaw ang abandoned building. Dahil siguro sa selebrasyon ng foundation week kaya pina-ilawan ito sa labas.

School Life With You (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon