29: New Challenges - I

157 13 27
                                    

Chapter 29 - part I
New Challenges

Third Person's POV

"Modo Ad Virtutem..." bulong ng isang lalaking nakatingala sa second floor ng main building, kung saan nakalagay ang pangalan at tagline ng school na ito.

"Empyrean Academy," dagdag nito saka pinasadahan ng tingin ang buong building na kaharap.

Dinama niya ang hangin at ang diwa ng school na pinanggalingan niya noong highschool. Bumalik sa kanya ang magagandang ala-ala, maging ang mga mapapait kaya napadilat ito.

"Sir Winston," pagtawag ng admin head na si Fora Galvez, na siya ring acting principal magmula noong umalis si Mercy Torres sa posisyon. "Napaaga ka yata? 7:30 pa start ng flag ceremony."

"I'm always on time," bulong ni Winston sa sarili.

"Mukhang excited ka yatang magtrabaho dito, sir!" masayang kumento ni Fora.

Nairita ang bagong principal sa enthusiasm ng acting principal. Namuo na yata ang pagkainis niya sa babae dahil papansin ito sa school boards. Ngunit mabuti na lamang daw dahil hindi si maam Fora ang napiling bagong principal ng school.

"Hindi ka yata sanay pumasok nang maaga Ma'am Fora?" nakangiti pero naiinis na tanong ni Winston.

Magsasalita pa lang sana ang kanyang kaharap pero pinutol niya ito kaagad.

"From now on, flag ceremony and classes will start at 6," sabi nito habang nakatanaw na ulit sa main building.

Hindi naka-imik kaagad ang admin dahil ayaw niyang pumasok nang ganoon kaaga.

"Kapag mas maaga ang pasok ng mga bata, mas madaming matututunan," dagdag ni Winston. "Am I right ma'am Fora?"

"You're r-right sir," wika ni Fora sabay tango.

Maingay ang mga estudyante nang magtipon-tipon sila sa unang flag ceremony ng taon. Hindi matahimik ang mga estudyante dahil na rin sa tagal bago nila nakita ang bawat isa mula noong Holiday semestral break.

Nang matapos ang flag ceremony, nag-ingay muli ang mga estudyante. Karamihan ay mas interesado pa sa kwentuhan nilang magkakaklase sa pila, kaysa sa inaanunsyo ng admin na si Fora Galvez.

Unti-unting humupa ang ingay ng mga estudyante dahil sa bigla na lang um-entrance ang isang lalaki paakyat sa stage. Nasa 50s na ito, maayos ang tindig, naka-suot ng kulay khaki na suit at pants, itim na sapatos, at may gintong relo. 

"Students, please welcome your new principal, Mr. Winston Jones!" wika ni Ma'am Fora. Napapalakpak ang mga estudyante dahil sa masiglang pagpapakilala sa bagong principal.

Nakangiting itinaas ni Principal Jones ang kanyang kamay upang pahintuin ang palakpakan ng mga estudyante. May mapuputi at pantay-pantay siyang mga ngipin. Ang kanyang postura ay parang isang celebrity.

"Para siyang politician," kumento ni Shaira na napa-irap na lang dahil naalala niya ang papa niya sa bagong principal.

"Good morning highschool students! After the horrible scandal of the former principal, Ma'am Mercy, the board of directors appointed me to become your new principal," masayang anunsyo nito kaya pumalakpak muli ang mga estudyante. "You can call me Principal Jones, instead of Principal Winston."

Palangiti ang bagong principal kaya naman naeengganyo sa kanya ang ilang mga estudyante. Hindi daw kasi siya katulad ng dati nilang principal na masungit ang itsura.

"Just a little background about myself, I've been a principal in other schools and I was an alumni here. So, you can definitely trust me in helping this school to prosper more."

School Life With You (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon