trigger warning: drugs
Chapter 25 - part III
Red Dragons| Shaira's POV |
Thursday. Volleyball semi-finals.
Simula talaga noong nag-away kami ni Chelsea--- I mean, simula noong inaway ko siya, nabawasan na ang pagiging friendly ko sa ibang tao. Bakit? Kasi noong mga time na naging outcast ako for being the bida-bida na kontrabida sa buhay ni Chelsea, narealize ko na peke pala mga tinuturin kong "kaibigan" noon.
Eh kasi, wala man lang nagcorrect sa akin nang maayos. Except for Chelsea and Violet who reached out to me. Lahat ng mga trinato kong kaibigan, hinushagan ako, siniraan online and offline, vinandal ang name ko sa CR, at kung ano-ano pa.
Pero syempre marunong pa rin akong makisama. Yun nga lang, hindi na sobra katulad dati na akala mo mauubusan ako ng kaibigan. Sapat na sa akin ngayon sina Chelsea, Violet, at ang mga kaklase ko na tinanggap ako.
Anyway, iba na ang ikukwento ko sa inyo ngayon. Tapos na tayo sa Shaira kontrabida era ko, dahil ngayon, handa na akong mag-share ng deeper background ko. Hindi ko maalala kung nabanggit ko na ba kila Chelsea ang tungkol dito pero mukhang hindi pa ata. Ang alam lang nila sa pamilya ko ay nasa abroad si mama, wala akong tatay kasi gago siya, at lumaki ako sa puder ng lola ko sa mother's side. Alam din nila na mag-isa kong nakatira sa city kasama ang mga ka-boarding housemates ko.
Hindi alam ng mga kaibigan ko ang kumpletong kwento ng buhay ko dahil hindi ko iyon ino-open. Yung mama ko kasi, college pa lang, nabuntis na. Eh itong lola ko, strict, competitive, at mataas ang expectations kay mama. Kaya noong nalaman nilang buntis siya, syempre naging disappointment sila lola.
Sinubukan akong palakihin ni mama nang mag-isa kasi iniwan kami nung tatay ko noong 4 years old ako. May picture pa kaming tatlo noong birthday ko kaya kilala ko mukha ng papa ko. Hindi sinabi ni mama kung bakit umalis si papa noon. Pero ngayon, kahit hindi niya sabihin ay gets ko nang hindi kami ang legal na pamilya ng tatay ko.
Noong 6 years old na ako, ay hindi na kinaya ni mama na buhayin akong mag-isa. Kaya naman iniwan niya ako kila lola para makapag-abroad siya. Noong nandoon ako kila lola, nakatikim na ako ng karne at kung ano-ano pang pagkain. Dati kasi sobrang wala kaming makain ni mama. Puro noodles lang, itlog, tuyo, at ibang gulay na tumutubo sa bakuran. Ngayon, nasubukan ko na ring humiga sa malambot na kama kasi dati umuupa lang kami at banig lang ang hinihigaan namin.
Pinalaki ako ni lola na competitive sa school, parang sa akin nga napasa ang burden ni mama. Ganito din kasi siya noon eh, madaming medals at certificate. Tapos paniwalang-paniwala si mama na matalino siya. Eh noong nainlove? Nawala yung mga pangarap nila ni lola at ayon, gumawa si mama ng sariling pangarap kasama si papa--- kasama yung lalaking bumuntis sa kanya.
Kaya yung lola ko, todo payo sa akin na mag-aral muna, huwag tularan si mama, huwag magboyfriend, at kung ano-ano pa. Narealize ni lola na kaya raw nabuntis nang maaga si mama kasi mahigpit siya sa kanya. Mahigpit din sa akin si lola, pero naintindihan ko ang point niya. Kasi ayaw kong matulad kay mama na naghihirap habang may binubuhay na anak. Well, to be honest, ayaw ko na lang magka-anak, kawawa lang siya sa mundong 'to.
Bakit ko ba sinasabi ang buhay ko sa inyo ngayong kasagsagan ng semi-finals ng volleyball game namin? Kasi naman, nakita ko lang naman ang tatay ko--- ang lalaking bumuntis kay mama, na sinusuportahan ang anak niyang nag-aaral sa St. Every Academy. Guess what? Kalaban namin ang school nila ngayon.
Bakit sa tuwing napapatingin ako sa audience, agad na dumadapo ang mga mata ko sa kanilang mag-ama? Ang saya ng pamilya nila papa-- Ang saya ng pamilya nila Senator Antonio Zamora, kasama ang asawa nitong ex beauty queen, at ang dalawa nilang anak.
BINABASA MO ANG
School Life With You (Book 2)
Fiksi RemajaEmpyrean Academy, the so-called "school of elites," will slowly reveal its true colors to the student body. The student council, the Prophet's, the Red Dragons, the Grade 10 students, the 7 Houses, and everyone else will fight for their rights. Joi...