Chapter 28 - part I
Erudite Acts| DAIXON, the unmotivated Erudite |
Madaming pagbabago ang naganap sa buhay ko ngayong school year na 'to. Akala ko magiging kumportable lang ang lahat katulad ng mga dating taon. Pero, bakit ganito? Bakit ako nagkaganito? Bakit ko ginawa ang mga bagay na hindi gagawin ng dating ako?
It's not a comfortable ride, it's exhausting, and it's scary.
"Daixon A. Lim, 15, I'm lazy," pagpapakilala ko kay Ms. Mara alin sunod sa utos niya.
Naistorbo kami dahil biglang nagring ang phone nito kaya nag-excuse siya para sagutin iyon. Muntik na akong maka-idlip dahil inabot ng ilang minuto ang paguusap nila.
"Okay, well," umupo muli si Ms. Mara sa kanyang office chair at napa-singhap. "Daixon, I want to ask you about what happened last time. Nasaan kayo? At bakit late na kayong pumasok?"
"Sa tower ni Vincent," diretsong sagot ko. Biglang nawala sa isip ko na hindi ko nga pala dapat sabihin yon. Pero siguro, narealize ng subconscious ko na mas okay nang umamin ngayon kaysa matagalan pa ang pagsisinungaling namin.
"Are you sure?" tanong ni Ms. Mara kaya tumango lang ako.
Tamad akong mag-explain sa mga tao kasi nakakawalang gana silang kausap. Yung mga kaibigan ko, kaya ko sila kinakausap kasi bobo sila. Kailangan nila ng knowledge kaya tinitiis ko ang katamaran para mabawasan ang kabobohan nila.
"What were you three doing there during class hours?"
"Video games, foods, and sleep," sabi ko. Napataas siya ng kilay at sumandal sa kanyang upuan.
"May usapan ba kayong magsinungaling sa akin?" tanong pa niya kaya tumango akong muli.
Napabuntong-hininga si Ms. Mara at ibinaba nito ang kanyang salamin.
"You're telling the truth?" tanong pa nito kaya tumango ako. "Why?"
"Nakakatamad magsinungaling," sagot ko na ikinagulat niya.
Walang sense ang batang ito. Iyon siguro ang nasa isip niya. Kapag kasi nagsinungaling ako, mapapatagal pa ang lahat tapos maabala na naman kami. Baka nga lumala ang parusa sa amin, kung mayroon man, kapag magsisinungaling pa kami.
"Okay, you can go," sabi nito.
Oh 'di ba? Mabilis lang ang buhay kapag nagsasabi ng totoo. Ngayon ang problema ko, paano ko i-eexplain sa dalawa ang ginawa ko. Pero bahala na nga silang mag-isip, nakakatamad mag explain.
Oo tamad ako, walang energy, at walang motivation sa mga bagay na hindi ako interesado. Mahirap bang intindihin yon? Bakit hindi ako magets ng ibang tao?
Ano ba ang gusto ko? Gusto ko lang talaga humilata sa kwarto o kaya maglaro sa PC, sa phone, at kung sa ano pa mang gadget na meron ako. Kaya lang naman ako pumapasok sa school ay dahil utos 'yon ng nanay ko na gusto akong i-flex sa mga kaibigan niya. Typical asian parents.
Saka pumapasok ako ng school kasi kahit papaano ay natututo ako sa mga bagay na pinagkaka-interesan ko. Robotics, gaming, programming, music, idagdag pa natin yung kabobohan nila Vincent at Rylen, edi ayon, masaya naman ako.
Sabi ng karamihan, ang boring ng buhay ko at ang boring din ng personality ko. Tsk! Ang saya kaya ng buhay ko. Tahimik, payapa, at maayos---
"Bebe Daix!!" nabulabog ang katahimikan sa buhay ko nang tanggalin nito ang earphones ko. Niyugyog din niya ang braso ko at pinipisil pa ito habang niyayakap ako ng patagilid. Para tuloy namatay ang brain cells at blood cells ko dahil sa ginagawa niya.
BINABASA MO ANG
School Life With You (Book 2)
Teen FictionEmpyrean Academy, the so-called "school of elites," will slowly reveal its true colors to the student body. The student council, the Prophet's, the Red Dragons, the Grade 10 students, the 7 Houses, and everyone else will fight for their rights. Joi...