28: Erudite Acts - IV

143 10 5
                                    

Chapter 28 - part IV
Erudite Acts

| DAIXON's POV |

[ Present time... ]

Binukas ko mga mata ko dahil sa init ng araw. Kung masipag lang ako, mapapabuntong-hininga ako dahil sa liwanag. Kulang yata sa kapal itong kurtinang galing sa lola ko. Sabi niya, walang ilaw ang tatagos dito kahit daw ilaw galing langit. Scam talaga 'yon, buti na lang niregalo niya na lang ito at hindi na pinabayad.

"Daix, how are you feeling?" napadilat ako ng mga mata dahil sa narinig kong boses.

Nakita kong nakaupo siya sa tabi ng kama ko--- teka hindi ko ito kama.

"You passed out earlier kaya dinala ka namin dito sa hospital," sabi ni Honey na nasa kaliwa ko.

Kung ganon, pasko pa lang ngayon? Hinarap kong muli si Violet.

"Anong ginagawa mo dito? Paskong-pasko, baka hinahanap ka na sa inyo," sabi ko. Umiling siya at sinubukang ngumiti.

"Don't worry about me," sabi niya. "May masakit ba sa'yo?"

Magsasalita pa sana ako para pauwiin na siya pero bumukas ang pinto. Naroon ang doktor kasama ang mama ko.

Noong bata ako, sinabi sa amin na bawal akong mapagod o maging emosyonal kasi iyon ang triggers ng asthma ko. Ngayon, nagulat kami dahil nadagdagan ito.

"It seems like you have allergies, that's why you have hives, watery eyes, and runny nose. Ang allergy mo ang nagtrigger sa asthma mo," paliwanag ng doktor.

"Saan po siya allergic, doc?" tanong ng mama ko.

"Iyan ang itetest natin ma'am," sabi ng doktor.

Hindi naman malala ang kalagayan ko dahil nabigyan na ako ng gamot. Nag-run sila ng blood tests, at allergy skin testing kaya mukhang matatagalan pa ako dito. Nang dumating sina Vincent at Rylen, sinabi ko sa kanila na pauwiin na sina Honey at Violet. Mabuti na lang pumayag na rin ang mga iyon.

"Grabe tol! Ang dami mong chicks!"

"Si Honey yon 'di ba? Yung sikat na streamer?" tanong ni Vincent na hindi makapaniwala.

"Oo."

"Sht! Daixon Pinagpala Lim!" sabi ni Rylen na gusto pa ata akong sakalin.

Inasar-asar pa nila ako pero hindi ko na sila pinansin. Hinanap ko ang phone ko, hindi para maglaro, kundi para icheck ang messages ni Violet. Biglang may kung anong pakiramdam sa puso ko nang makita na may chat siya.

Violet Marquez:

Get well soon Daix, dadalaw ako ulit bukas.

Me:

huwag na

Sineen niya lang ako. Lumipas na ang tatlong minuto pero hindi pa rin siya nagrereply. Napabuntong-hininga ako at nagsend ng robot emoji. Sineen niya ito agad at nagsend ng emoji na parang namumula at naiiyak. Natawa ako at napa-iling. Parang siya yong emoji na yon.

Agad kong pinigilan ngiti ko dahil baka makita nung dalawang bobo. Buti na lang nakafocus sila sa pinapanood na movie sa TV kaya nakahinga ako nang maluwag.

Nang mag-gabi na ay umuwi na rin ang dalawa at sinabihan akong babalik sila bukas.

"Hijo, anong mga kinain mo kanina?" tanong ng doktor habang chinecheck nila kalagayan ko.

Sinabi ko lahat ng natatandaan ko. Manok, noodles, pansit, spaghetti, soft drinks, tsitsirya, baboy, isda, at kung ano-ano pang handa na pang pasko. Alam kong hindi ako allergic sa kahit na anong pagkain na iyon. Kasi palaging ganoon naman ang kinakain ko sa bahay at walang nangyayari sa akin.

School Life With You (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon