25: Red Dragons - IV

141 18 14
                                    

trigger warning: drugs, explicit language, violence

Chapter 25 - part IV
Red Dragons

| Shaira's POV |

Parang wala ako sa sarili nang una kong tikman ang droga. Hindi ko inakala na hahantong ako sa ganito. Pero wala akong alinlangan nang humigop ako ng "speedball" gamit ang straw na nakastick sa ilong ko. Napa-ubo pa ako na parang nababahing dahil sa paglanghap ko ng droga. Para bang walang nagbago sa akin sa mga unang segundo pero dinire-diretso ko ang pagsinghot nang medyo naka-adjust na ako.

"Dahan-dahan naman!" pagbabawal ni Rico habang nagmimix din siya ng kanyang speedball.

Natawa ako at napamura. "Ang saya pala nito?!"

"Syempre! Heaven 'to dito sa lupa," pag-ngisi ni Rico saka suminghot na rin.

"Wooohoooo!" pagcheer ko. Ginaya rin ako ni Rico at napa-wooohooo rin siya. Nagtawanan kami pagkatapos naming suminghot.

"Pareho tayo," sabi ni Rico nang matahimik kami, kaya napakunot-noo ako sa kanya. "Anak sa labas."

Napatango-tango ako. "Hulaan ko, sa Buvlen High ka nag-aral noh?"

"Shuta ba't alam mo?" gulat niyang tanong.

"Manghuhula kasi talaga ako," biro ko.

"Creepy mo!" kumento niya kaya natawa ako.

"Madami akong kakilala na nagsasabing tapunan ng mga anak sa labas doon sa Buvlen High. Totoo nga siguro?"

"Mga anak sa labas ng mga high profile na gagong nilalang," napapa-iling na sabi niya.

"Ano sayo? Politician o businessman?" tanong ko.

"Pareho, congressman na businessman ang gago," natatawang sabi ni Rico kaya nakisabay na rin ako.

"Teka doon na lang kaya ako mag-aral ng Senior High sa Buvlen High? Tutal anak din ako sa labas," suhestiyon ko.

"Ay shuta! Kawawa, inabutan ng K-12!" natatawang sabi ni Rico kaya natawa din ako.

Bakit kahit ang gaan ng tawa ko? Parang lahat ng bagay, kahit problema, gusto kong tawanan? Kung ganito ang epekto ng droga ayaw ko na lang tumigil.

"Gamit mo apelido ng tatay mo?" tanong ko.

"Oo naman, kaya sikat ako!" nakangising sabi niya.

"Luh, ako hindi," kunot-noo kong sabi. Teka bakit ba ako naiinis? Ano naman kung 'di ko gamit?

"Ah! Hindi ka mahal," pangaasar ni Rico kaya napa-irap ako.

Napakwento na rin ako ng talambuhay ko at sa mga nangyari kahapon at kanina. Tapos bigla-bigla na lang umiyak si Rico na parang bata kaya naiyak na rin ako. Para kaming tanga pero hindi ko yon naiisip. Basta parang gusto ko lang mag-express ng nararamdaman. Minura-mura pa namin mga kupal na politiko na hypocrite, katulad ng tatay ko.

"Ang gago niya! Ang kapal ng mukha niya na ganon platform niya tapos ikaw? Ang payat-payat mo!" humihikbing sabi ni Rico na napa-vape na lang.

Nang huminto kami sa pagdadrama ay nagtuloy kami sa pagsinghot hanggang sa naubos namin ang tig-isang sachet. Hindi ko namalayan na pareho na pala kaming nakasalampak sa may sahig at nakasandal sa pader.

"Anong pangalan mo?" tanong ni Rico kaya natawa ako. Kanina pa kami naguusap pero hindi namin alam mga pangalan namin.

"Shaira Alonzo," sagot ko. "Ikaw ba?"

"Frederico De Guzman," sagot niya.

"Pfft! Pang lolo ha!"

"At least maganda name ko pag sinabing Lolo Frederico. Oh? Yung sa'yo Lola Shaira? Tsk!" napapailing niyang sabi.

School Life With You (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon