Chapter 30 - part I
We're A Team|Third Person's POV|
Sa linggong ito gaganapin ang foundation week ng Empyrean Academy. Ngunit ngayong araw ng Lunes ay naka-schedule ang mga estudyante ng Grade 10 sa guidance counselor. Hindi dahil sa may nagawa silang kasalanan kundi dahil para sa career assessment nila.
Salitan ang mga estudyante ng Grade 10-Corinthians sa pag-aayos sa kanilang Café booth. Ang Cafe booth na iyon ay naka-locate sa kanilang classroom at mayroon din silang tent sa school grounds.
Bukas pa ang opisyal na opening ng Empyrean Academy upang magpapasok ng mga outsiders, kaya naman ngayon na ginanap ang career assessment nila.
Kabado ang ilan sa kanila at ang iba naman ay chill lang. Mayroon kasing short interview ito mula sa guidance counselor nilang si Ma'amDiaz.
"Hi ma'am! I'm Rylen Ortega, 16 na ako noong December, kaya extra sweet na po ako ngayon!" masaya at energetic na pakilala nito.
Nag-angat ng tingin sa kanya si Ma'am Diaz, ang guidance counselor. Ngumiti ito at tumango. "Hijo, kumalma ka at umupo."
"Yes ma'am!" sumaludo si Rylen at sinunod iyon.
"So... Mr. Ortega," tinignan nito ang grades ng lalaki. Halos nasa line of 8 naman ito at may iilang line of 9. "May naisip ka na bang pangarap mo sa buhay?"
"Marami po ma'am! Syempre gusto ko yumaman, manatiling pogi, saka ano po, mapangasawa si crush, yie!"
Nagulat si ma'am Diaz dahil sa confidence ng batang kaharap niya. Hindi naman ito yung tipo ng nakakainis, pero nakakatuwang bata raw ito.
"Wow! That's good kasi alam mo na talaga ang gusto mo," napatango-tango siya kasi specific daw ang sinabi ni Rylen.
"Syempre ma'am!" malawak ang ngiti na sabi ni Rylen. "So ano po ang future ko?"
"Ginawa mo naman akong manghuhula!" natawang kumento ng guidance counselor, kaya natawa rin si Rylen. "Pero hijo, may naisip ka na bang career para maabot mo yang mga pangarap mo?"
"Course po sa college?" tanong ni Rylen kaya tumango ang kaharap nito. "Ano kaya..." napa-isip siya.
"Pwede mong i-consider kung saan ka magaling na subjects o kung may talent ka na," payo nito.
"Ah magaling po ako tumakbo! Pero hindi naman nakakayaman yon. Okay din ako sa basketball, pero mahirap maging pro player don."
"Anong favorite mong subject?"
"Ano po..." napa-isip siyang mabuti. "Break time!"
Natawa at napa-iling ang guidance counselor.
"Joke lang ma'am!" tumatawang sabi ni Rylen. "Ano po, PE po pinakagusto ko. Saka kahit anong subject na nagrereport-report kami. Sa Math po kasi nahihirapan ako pero kapag pinapa-explain ko po ulit nagegets ko naman. Tapos sa Science po madaming memorization, nageenjoy po ako magreview doon kapag may kasama ako."
"Ah! Verbal learner ka," tumatango-tangong kumento nito. "Magaling ka rin sa pakikipag-interact at sa communication."
"Opo ma'am! I believe po kasi na communication is the key!" nakangisi at proud na sabi ni Rylen.
Binigyan siya ng listahan ng mga strands na pwede niyang kunin. "Binilugan ko diyan kung ano ang mga pwede mong pag-piliin na senior high strand. Sa baba, makikita mo mga career choice na pwede mong i-pursue."
Tinignan ni Rylen na nakabilog ang mga strand na HUMMS at ABM. Nakalista doon ang mga pwede niyang i-pursue sa college.
"Mukhang mahaba-habang pag-iisip ito ah!" sabi niya nang makita ang listahang ng mga career opportunities doon.
BINABASA MO ANG
School Life With You (Book 2)
Teen FictionEmpyrean Academy, the so-called "school of elites," will slowly reveal its true colors to the student body. The student council, the Prophet's, the Red Dragons, the Grade 10 students, the 7 Houses, and everyone else will fight for their rights. Joi...