Chapter 29 - part III
New Challenges| Chelsea's POV |
Kabado ako ngayong araw dahil bibigyan ako ni Principal Jones ng golden badge sa stage pagkatapos ng flag ceremony. Iaanunsyo niya rin ang magiging position ko sa student body. Kinakabahan ako kasi baka mamaya hindi ako i-welcome ng mga students. Baka tignan nila 'to na something... stupid or nonsense. Naiinis ako sa sarili ko dahil sa pag-ooverthink. Ang negative na tuloy ng laman ng isip ko.
"Good morning students!" masayang bati ni Principal Jones pagkatapos ng flag ceremony. "Today, I have two great news for all of you!"
Nakita ko, mula dito sa baba ng stage ang mga bulungan ng mga estudyante. Siguro pinagde-debatehan nila kung good nga ba talaga ang news na dala ng principal o ano.
"First and foremost, I have decided to preserve the legacy of Empyrean Academy by not abolishing the Game of 10s!"
Nang ianunsyo niya iyon ay nagsipalakpakan ang mga estudyante sa tuwa. Mas lumawak ang ngiti ni principal Jones na para bang gustong-gusto niya ito.
Pagkatapos humupa ng selebrasyon ay nagsalita muli si Principal Jones kaya kinabahan na ako.
"For the second news, I have been mentally selecting candidates for a Head Student position who will receive a golden badge!"
Ang ilan sa mga estudyante ay pumalakpak, ang ilan ay walang pake, at ang ilan naman ay hindi nagreact.
"A head student will receive direct orders from me and will execute it to the student body for the betterment of this school!"
Mukhang mixed emotions ang natanggap ni Principal Jones tungkol sa announcement na ito. Hindi ko na rin makita pa ang reaksyon ng ibang estudyante kaya tinigil ko na ang paghanap ng magandang reaksyon. Bahala na!
"The head student for this school year is none other than Chelsea Reyes from 10-Corinthians!"
Narinig ko ang mga palakpakan at hindi ko na alam kung ano ang reaksyon ng mga tao. Hindi ko nilingon ang crowd dahil diretso lang tingin ko sa stage nang umakyat ako.
Kinamayan ako ni Principal Jones bago ikabit sa akin ang golden badge. Tumingin ako sa crowd at nakitang nagpalakpakan sila. Ang ilan naman ay hindi interesado kaya napa-singhap ako.
Violet has showed me the students' opinions on social media about our school principal. Me being on stage right now has a purpose. I want to give them words of affirmation that hope is here.
"Sir, can I say something to the student body before you dismiss us?" tanong ko habang kinakabit sa akin ang badge.
"No you can't," tipid at nakangiting sabi ni principal Jones. Nabigla ako sa pag-hindi nito pero tumahimik na lang ako.
"You see, madami pa akong i-aannounce," dagdag niya saka humarap na ito sa mga estudyante.
Madami pa siyang sinabi tungkol sa pagplaplano niya sa Game of 10s at malapit na raw ang schedule ng exams namin kaya mag-aral daw kami nang mabuti.
"Remember students, your 3rd quarter exams will be on Thursday and Friday, THIS WEEK. That's why I'm encouraging you to study well."
Kahit nasa stage ako, kitang-kita ko ang pagiging dismaya ng mga estudyante. Maging ako dismayado. Bakit ang aga naman? Halos wala pa kaming lesson na nadiscuss.
"That's all for the announcements, you can now go back to your respective classrooms."
Napasinghap ako at tumalikod na para bumaba ng stage.
BINABASA MO ANG
School Life With You (Book 2)
Teen FictionEmpyrean Academy, the so-called "school of elites," will slowly reveal its true colors to the student body. The student council, the Prophet's, the Red Dragons, the Grade 10 students, the 7 Houses, and everyone else will fight for their rights. Joi...