Chapter 31 - part II
We Fall| Third Person's POV |
Saturday, 4 pm. Pinatawag ang lahat ng mga Grade 10 students sa school gymnasium habang pinapauwi lahat ng mga estudyante at bisita. Dahil ngayong araw ay opisyal nang magtatapos ang selebrasyon ng Foundation week anniversary o school festival ng Empyrean Academy. Ngayong araw din gaganapin ang Game of 10s round 8. Kaya naman kabado at excited ang mga estudyanteng naroon.
"Welcome to the 8th round of the Game of 10s!" masayang bati ni Principal Jones. "Before anything else, let's first see the current scoreboard..."
Nagflash sa LED screen ang gustong ipakita ng principal.
Game of 10s Score Board
(Rounds 1 to 7)Romans: 20 + 15 + 5 + 20 + 10 + 10 + 15 = 95 points
Corinthians: 10 + 20 + 10 + 10 + 15 + 10 + 20 = 95 points
Galatians: 5 + 0 + 15 + 10 + 20 + 20 + 10 = 80 points
Ephesians: 5 + 10 + 20 + 20 + 5 + 5+ 10 = 75 points"Romans and Corinthians are tied on the lead with 95 points. Next is Galatians with 80 points, and Ephesians with 75 points. Students, give yourselves a round of applause!"
Nang humupa ang palakpakan ay nagsalita nang muli ang principal.
"Grade 10 students, today I will reveal that your batch have class traitor or traitors in each sections." Dahil sa sinabi niyang ito ay nagkaroon ng mga diskusyon ang mga estudyante sa bawat section.
"Sabi na eh may traitor, kaya minamalas tayo."
"Hala may traitor sa class natin? It can't be!"
"Papatayin ba tayo ng traitor? Charot!"
"Feeling ko si ano yung traitor! Ang plastik eh!"
"Ang trabaho ng class traitors ay i-direct kayo sa pagkatalo," pagpapatuloy ng principal sa gitna ng komosyon. "That's why, if you have finalized your answer about who the class traitors are, you can visit me in my office. The section who guessed their traitor correctly will be given extra points. The deadline will be on the final round of the Game of 10s this coming March."
"Hala malapit na!"
"Kailangan na natin hanapin yang the traitor na yan!"
Napasinghap si Chelsea dahil sa kaba nito tungkol sa class traitor. Ayaw niya sanang paniwalaan na mayroong ganoon sa kanilang klase pero mukhang meron talaga.
"For today's Game of 10s, the theme will be a hunting game. Also, the whole Empyrean Academy will be your playground," nakangising sabi ni Principal Jones kaya nagpalakpakan ang mga estudyante sa excitement.
Pinaliwanag ng principal ang rules ng laro. Magsusuot ng kulay puting PPE, o Personal Protective Equipment, ang lahat at mayroon iyong mga pangalan nila sa taas ng kaliwang dibdib. May color band na nakatali sa kaliwang braso ng kanilang PPE para sa indikasyon ng kanilang section. Ang tali ng Romans ay kulay blue, yellow sa Corinthians, red sa Galatians, at black sa Ephesians. Ang bawat isang PPE ay mayroon ding nakalagay na points. 10, 50, at 100 ang mga nakapaloob na points sa bawat PPE na hindi nakikita ng kalaban.
"Wow! Taray may PPE!"
"High budget ang EA ngayon."
"Ganon talaga, hindi corrupt ang principal natin ngayon eh." Napakunot-noo si Vincent sa narinig niyang paguusap ng mga taga ibang section.
Ang bawat estudyante ay bibigyan rin ng mga malalaking toy guns at ang bala nito ay may lamang colored paint ball. Kapag binato nila o binaril ito sa PPE ng iba ay mababasag iyon at magkukulay. Ang Romans ay mayroong blue paint, Corinthians ay yellow paint, Galatians ay red paint, at Ephesians ay black paint. Kailangang i-target nila ang mga taga ibang section gamit ang kanilang mga toy guns na mayroong colored paint balls.
BINABASA MO ANG
School Life With You (Book 2)
Teen FictionEmpyrean Academy, the so-called "school of elites," will slowly reveal its true colors to the student body. The student council, the Prophet's, the Red Dragons, the Grade 10 students, the 7 Houses, and everyone else will fight for their rights. Joi...