21: Unite to Survive - IV

272 29 25
                                    

Chapter 21 - part IV
Unite to Survive

Saturday.... 2 days before their camping.

| Chelsea's Point of View |

"CHELSEA WE MISSED YOU!!!"

Gulat akong napalingon sa aming gate at nakita ang kulay puting van. Nakabukas ang pinto nito kaya nakita kong kumakaway sa akin sina Violet, Shaira, at Rylen. What are they doing here?

Hindi ako nakagalaw sa pwesto ko dahil sa gulat. Kinailangan pa akong tapikin ni mommy sa balikat bago ako magising sa realidad. Pagbalik ko ng tingin da kanila ay nakita kong binubuksan na ngayon ni Rylen ang gate namin.

"I suppose those are your friends. I'll go prepare a merienda." Wika nito habang nakatanaw sa maiingay kong mga kaibigan. Hindi kasi mabuksan ni Rylen kaya bumaba na rin si Shaira para buksan yon at nagdedebate pa sila.

"Thanks mom." I told her.

My mom went inside the house while the van started moving in our backyard. Nang masara na nila Rylen at Shaira ang gate, at napark na ang van ay unti-unting lumabas ang mga sakay nito. Violet and Daixon went out from the van while Shaira and Rylen ran towards me.

"Chelsea!!!" Bigla akong niyakap nila Shaira nang makalapit sila sa akin.

"Namiss ka namin!!!" Sigaw ni Violet na napatakbo na rin.

Unti-unti akong nakaramdam ng saya dahil kanina ay sobrang nagulat ako at halos hindi ko alam ang dapat kong maramdaman.

"I missed you all too!" I screamed. We almost jumped together because of the joy of our reunion.

"Pres! Huhuhu! Binubully ako ni Shaira sa school!" Pagsusumbong ni Rylen kaya natawa ako. Si Daixon naman ay nitap lang ang likod ko ng dalawang beses at napa-spray pa ng alcohol sa kamay.

"Si Mr. BooBlue nandito di ba?" Tanong pa ni Daixon kaya natawa ako. Kumalas kami sa yakap saka ko siya nilingon.

"Yeah don't worry ibabalik ko yon mamaya." Natatawang sabi ko.

"Hay nako! Alam mo ba Chelsea, yun ang dahilan kung bakit nasama namin si Daixon, grabe! Kung hindi namin siya niyaya dito, for sure computer lang kaharap niya buong araw." Napapailing na pagkwento ni Shaira.

"Pres, ako at si Albion lang dapat pupunta dito kasama papa ko na nagdrive. Pero itong si Sean at Clinton, sumama kay Albion nung nabisto nila kami. Tapos sinabihan nila si boss Freya na alagaan si Serafina kasi wala yung parents nila, pero gusto sumama ni boss Freya kaya yon. Tapos dinaanan kami nila Albion sa subdivision nila Daixon, sinundo namin siya nila Violet at Matsura. Tapos yon pres, pumunta na kami dito. Hooh! Ang saya di ba?" Pagkukwento ni Rylen pero hindi ko naintindihan kasi nahagip ng mga mata ko ang limang tao na papalapit sa amin.

"Unplanned road trip is the best!" Masayang kumento ni Violet.

The 5 people coming towards us was Vincent, Sean, Freya, a little girl, and... Yohan?! Wait what?!

"Oh my gosh." Agad akong tumalikod dahil sa hiya. Ngayon ko lang narealize na nakapambahay lang ako. Naka-maluwag na shirt, super short shorts at naka-messy bun.

Hindi ko alam kung kanino ako nahiya sa kanilang lima. Kay Freya ba na hindi ko nasabihan agad na magdadrop na ako at dahil doon hindi na ako makaka-attend sa mga commitment ko sa Beleaguer House? O kaya baka sa batang babae na hawak niya sa kamay? The little girl looks so pretty! Mas presentable pa siya kaysa sa akin. O kaya baka kila Sean, Vincent, at Yohan ako nahihiya? From my quick glance earlier, they all looked fresh and handsome. Oh my!

School Life With You (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon