33: You and I - II

86 5 6
                                    

Chapter 33 - part II
You and I

| Chelsea's POV |

"Pero Sean, bakit mo ba tinago na ikaw ang chatmate ko?" tanong ko.

Nang marealize ko na baka isipin niyang ulit-ulit ako sa mga tinatanong ko ay agad ko itong dinagdagan.

"I mean... Aside from natakot ka sa magiging reaksyon ko kapag nakilala kita as Yohan and Sean at the same time, meron pa bang ibang reason?"

Kaya ko ito itinanong kasi ayaw kong magkaroon pa kami ng mga hindi napag-uusapan tungkol sa bawat phase ng story namin. Malay ko ba kung hindi pa 'to ang buong kwento niya, 'di ba?

But to be honest, napapaisip na rin ako sa sinabi ni Vincent kanina. Kaya gusto kong patunayan sa kanya na hindi totoo na magsisinungaling sa akin ulit si Sean or may itatago siya ulit sa akin.

"None," sagot ni Sean.

Nagkatinginan kami ng ilang segundo bago ako ngumiti at tumango.

See? There's no other reason.

All I wanted was a straight answer from him and Sean gave it.

"Okay!" I just continued eating.

After we finished our food I looked at Sean again. Kanina pa siya medyo tahimik kaya nag-alangan ako. Naramdaman niya ba na naghinala ako sa kanya?

Bigla kong hinawakan ang kamay ni Sean. Napatingin ito sa akin nang marahan kahit na mukhang nagulat siya.

"Sean, I trust you," diretsong sabi ko. Hindi siya nakapagsalita kundi napatitig lang ito sa akin. "Promise ko yan."

Nabunutan ako ng tinik nang ngumiti si Sean na para bang natouch sa sinabi ko.

"Thank you. I also trust you, Chelsea."

Tumango ako at ngumiti sa munting promise namin sa isa't-isa.

"Then let's go," tumayo na ako dahil tapos na rin naman kami kumain. "Basahin na natin mga letters."

"Sure, let's do that."

Habang papunta kami sa hidden library para tumungo sa book letters section, nagulat ako dahil sa nakita. Palabas doon sa room sina Hajie at Rianne.

"Oh, hi pres!" nahihiya pero masayang bati ni Rianne. "Hi Sean!"

Napatingin ako kay Sean na tumango kay Rianne at napangisi kay Hajie.

"Sup, Hajie?" bati nito na parang nangti-tease.

"Sean, don't look at me like that," wika ni Hajie.

Nagtawanan ang magpinsan sa isa't-isa kaya humarap na lang ako kay Rianne.

"Rianne musta ang date niyo?" tanong ko na may ngiti. "Nagsulat din kayo sa loob?"

"Masaya pres! Nagsulat kami kanina and we promise na babasahin namin after a year," pagmamalaki ni Rianne.

"After a year?" tanong ni Sean nang mahinto tawanan nila ni Hajie. Napatingin siya sa pinsan nito na umiwas ang tingin.

"Bakit? Alangan naman bukas agad," kumento ko.

Natawa si Rianne. "Yan nga ang gusto ko pres eh! Pero sabi ni Hajie, next Valentine's day daw namin babasahin together! Exciting!"

Halata ang kilig at saya ni Rianne na napahawak pa sa braso ni Hajie na namumula ang pisngi.

"Kayo ba pres? Magsusulat din kayo?"

"Babasahin na namin, 'coz we've been here before," sagot ko.

"Ah! I know na kung kanino nalaman ni Hajie ang place na 'to," masayang bulalas ni Rianne saka ito humarap kay Sean. "Thank you, Sean sa pagreccomend ng café na 'to."

School Life With You (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon