Chapter 31 - part I
We Fall| Chelsea's POV |
Pagkatapos kong pumayag na ligawan din ako ni Vincent ay bigla akong napa-isip kung tama ba ang ginawa ko. Saka paano ko ito i-e-explain kay Sean?
Dahil sa pagpayag ko na ligawan ako ni Vincent ay sumaya ito at nagkaroon na daw siya ng ganang kumain. Kaya naman nagpaluto siya ng breakfast at kumain dito sa milk tea shop namin.
"Paano setup niyo ni Sean?" tanong ni Vincent.
"What do you mean?"
Napasinghap siya. "I guess hindi niyo pa napag-usapan. Then, can I pick you up everyday so we can go to school together?"
"Everyday?" tanong ko at tumango naman ito.
I was taken aback. He'll do that? What if matagal akong magbihis? What if ma-late kami dahil sa akin? Saka minsan, si tita Hera ang naghahatid sa akin papunta sa school. Vincent has to talk to her so we can go to school together.
"I don't know..." napasinghap ako. "Hindi ba masyadong nakakapagod yon? Maaga kang magigising tapos hihintayin mo ako---"
He chuckled. "Chelsea, you know me, I'm extra. I can be a morning person for you."
Napakindat pa siya nang sabihin iyon.
"Hay nako, bahala ka nga," napa-iling na sabi ko.
"If that's the case, then let's go to school together today," sabi nito sabay tayo.
"Eh? Tapos ka na?" tanong ko.
"Right, ubusin ko muna 'to," natatawang sabi ni Vincent. "Sorry na, excited lang."
Malala na talaga si Vincent. Hanapan ko kaya siya ng pwede niyang jowain? Kasi masasayang lang lahat ng efforts niya sa akin.
"Gusto mo pati pag-uwi magkasama tayo?" tanong pa ni Vincent nang makasakay na kami sa jeep.
"Vincent, slow down, baka pagkamalan kang boyfriend ko---"
"Sus, lagi naman. Hindi ka pa ba sanay?" nakangising tanong niya.
"Just going to school is fine with me," sabi ko na lang.
Nagpatangay na lang ako sa agos habang iniisip kung paano ito ipapaliwanag kay Sean. Nasa school na kaya siya? Gusto kong ichat si Sean pero paano ko sasabihin? I guess sa school ko na lang siya kakausapin.
Pagdating namin ni Vincent sa school ay doon ko narealize na nasa school field nga pala ang mga kaklase ko dahil nagbabantay ang iba sa aming booth.
"Uyy! Sabay pumasok!"
"Iba ka talaga boss V!"
"Nasanay na kayo na palaging ganito kasi magkalapit lang kami ng bahay," paliwanag ni Vincent sabay akbay sa akin. Dahil doon ay tinukso na naman kami ng mga kaklase namin. Pero tinanggal ko ang pagkaka-akbay niya at napatingin sa paligid.
Hinanap ng mga mata ko si Sean at nakita ito na nandoon sa may counter. Hindi siya nakatingin sa amin kahit na sigurado akong naririnig niya ang mga sinasabi ng mga kaklase namin.
"Pres, nag-exam ba kayo ni boss Vincent?" tanong ni Junjun kaya napunta muli sa kanila ang atensyon ko.
"Huh?" nagtataka kong tanong. Tapos na kaya ang exam.
"Anong real score niyo?" tanong pa ni Junjun na nakangisi kaya naghiyawan mga kaklase ko.
"Ayieeeee!"
"Chelsea, sino ba talaga sa dalawa?" tanong ni Sarah.
"Kung nalilito ka Chelsea, mas nalilito na kami," sabi pa ni Kris kaya natawa ang mga kaklase ko.
BINABASA MO ANG
School Life With You (Book 2)
Teen FictionEmpyrean Academy, the so-called "school of elites," will slowly reveal its true colors to the student body. The student council, the Prophet's, the Red Dragons, the Grade 10 students, the 7 Houses, and everyone else will fight for their rights. Joi...